^

PSN Showbiz

Janine, pinag-aralan maging kontrabida

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Janine, pinag-aralan maging kontrabida
Jodi Sta. Maria at Janine Gutierrez

Bongga ang Lavender Fields, nangunguna pa rin ang drama-thriller series ng ABS-CBN sa Netflix Philippines habang nasungkit din nila ang top spot sa iWantTFC matapos tutukan ng viewers ang tumataas na tensyon sa pagitan ni Lavender Fields (Jodi Sta. Maria) at Iris Buenavidez (Janine Gutierrez) noong Miyerkules (Setyembre 11).

Sa episode nitong Miyerkules (Setyembre 11) na nakakuha ng 533,338 peak live concurrent views, matagumpay na nakuha ni Lavender ang event styling gig para sa birthday party ni Iris matapos mapalapit sa mga kaibigan ni Iris. Matapos nga ang apat na taon, nangyari na ang pinakahihintay na panahon ni Lavender na makaharap muli si Iris.

Sa tulong ni Aster Fields (Maricel Soriano), itutuloy ni Lavender ang kanyang planong paghihiganti kay Iris at hanapin ang nawawala niyang anak.

Samantala, patuloy naman sa pag-iimbestiga si Chief Investigator Zandro Fernandez (Albert Martinez) tungkol sa misteryosong pagkamatay ni Tyrone De Vera (Jericho Rosales).

Labis naman ang nakuhang papuri ng show sa netizens dahil sa transformation ng karakter ni Jodi at sa nakakaintriga nitong kwento. Ibinahagi rin nila ang paghanga sa ipinakitang galing sa pag-arte nina Jodi at Janine sa nasabing paghaharap.

Ayon nga kay Janine hindi siya sanay na maging kontrabida kaya bukod sa workshop, nag-iisip siya ng masasamang bagay para mas maging malalim ang kanyang emosyon.

Pasabog ang mga eksena sa Lavender Fields tuwing weeknights simula 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

ACTRESS

JANINE GUTIERREZ

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with