^

PSN Showbiz

Ian,sumabak sa matinding training

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ian,sumabak sa matinding training
Ian Veneracion

Masayang-masaya si Ian Veneracion dahil napabilang sa seryeng Incognito na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. Para sa aktor ay ito na marahil ang pinakamalaking proyekto na kanyang nagawa sa telebisyon. “Pilot episode na ginawa namin, we were so happy about it. Grabe ‘yung action, I was so surprised. Grabe support ng ABS-CBN. The storyline, cast, and stunts. Grabe ang laki, it is the biggest show I have done in my whole career,” paglalahad ni Ian sa ABS-CBN News.

Kahit sanay na sa paggawa ng mga proyektong aksyon ang tema ay kinailangan pa ring pag­handaang mabuti ng aktor ang bagong serye. Kamakailan ay sa El Nido, Palawan nag-taping ang serye.

Kasalukuyan namang kinukunan sa Italy ang malalaking eksena ng Igcognito. “Even now I am in the process of getting in shape. Kasi grabe ‘yung scenes namin, barilan, suntukan, langoy. Ang daming eksena, it is very physical. We did our training for guns, firing, tactical, airsoft, martial arts. We bond as a team. Para talaga kaming team like the characters we are portraying, kahit staff. Everybody is efficient, malaking tulong. We are able to execute the really difficult scenes. Ang galing ng nag-train sa amin. They trained real troops from international, hindi lang sa Philippines. Ang galing, the curriculum is rigid,” kwento niya.

 Ngayon pa lamang ay nananabik na si Ian na maipalabas ang pinakaaabangang serye. Maipagmamalaki umano ng aktor ang kanilang proyekto sa buong mundo. “Pwede, we are hoping na mailaban ito sa international standards,” pagtatapos ng aktor.

Kyla, parang nabuhay ulit!

Tiyak na ikatutuwa ng mga tagahanga ang bagong single ni Kyla na Lambalak. Nagkaroon ng collaboration sina Kyla at MC Einstein para sa naturang kanta. “Na-excite kasi ako kasi I’ve done some R&B tracks na ginawa ko. You heard some of the songs on my previous albums. I have a few or some collaborations with R&B artists and hip-hop artists. But they were never released as a single. This one kasi ang intention is to be released as a single. So, I said (kay MC). ‘Gawa ka ng kanta kasi I want to go back to my core.’ Sabi ko, ‘Na-miss ko na. Alam ko, nasa dugo ko ito.’ Gusto ko na siyang ilabas,” nakangiting pahayag ni Kyla.

Ayon sa nakilalang R&B Queen ng Pilipinas ay talagang magaling magsulat ng mga kanta si MC. Napakinggan din ni Kyla ang iba pang mga kantang naisulat ng hip-hop artist. “Gusto ko kung paano siya sumulat ng lyrics, sobrang relatable. Hindi lang ‘yung lyrics, maganda rin ‘yung melody niya kasi. Para sa akin mahalaga ‘yung melody and ‘yung mga songs niya gano’n. I just like the way he writes the songs. Hindi ako nagkamali at hindi ako na-disappoint. Kasi noong sinend niya ‘yung kanta, nagustuhan ko agad. Isa sa mga bagay na nagustuhan ko dito sa song na ito ay melodic siya. Kasi ‘yung R&B ngayon, minsan iisa na lang ‘yung naririnig ko. Parang feeling ko hindi ko na malaman kung sino ‘yung kumanta at saka kung anong kanta ba iyon. Kasi minsan magkakapareho at saka may pattern na. So sinabi ko kay MC bago niya isulat, ‘Sana talaga ‘yung kakantahin (namin) parang R&B noong ‘90s, early 2000s.’ Kasi ‘yon ‘yung medyo gusto ko ibalik kasi na-miss ko iyon,” pagdedetalye ng singer.

Sinisiguro ni Kyla na mas marami pang R&B songs ang kanyang magagawa sa mga susunod na buwan. Masarap sa pakiramdam ng singer na muling makagawa ng mga uri ng kantang nagpasikat sa kanya. “Definitely I’ll be doing more songs and recording more songs. It’s in the plan. Mayroon ding ibang sinulat with some producers and abangan na lang nila ‘yon. I love singing all the theme songs, love songs. I love those songs pero na-miss ko lang ‘yung ganitong vibe. I mean doing something again after such a long time, always feels new to me again. Na-excite lang din ako, bumalik siya and sobrang natuwa ako. Para akong nabuhay ulit,” pagtatapos ng R&B Queen. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with