^

PSN Showbiz

John Lloyd at gf na artist, nagliliwaliw sa Spain

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd at gf na artist, nagliliwaliw sa Spain
John Lloyd Cruz at Isabel Santos

Nasa Spain daw ngayon si John Lloyd Cruz kasama ang kanyang girlfriend na si Isabel Santos at talagang nag-iikot sa art places doon! Deserve naman ni JLC ‘yan at ng kanyang gf na mahusay na artist din.

Ang tanong: kailan kaya ulit babalik si Lloydie sa pag-arte? Kailan na mapapanood ang mga pelikulang natapos niya kay Lav Diaz? Nakaka-miss din kasi sa big screen ang mga katulad ni John Lloyd Cruz!

Zsa Zsa, hurado na ulit

Balik It’s Showtime na bilang Hurado si Zsa Zsa Padilla sa Tawag Ng Tanghalan pagkatapos ng kanyang halos isang buwan ding pagkawala sa trabaho. Bakit kaya? Ano ang inoperahan sa kanya sa Singapore?

Anuman iyon, sana magaling na nang husto si Zsa Zsa at salamat sa pag-aalaga at pagbabantay sa kanya ng partner niyang si Conrad Onglao at anak na si Karylle. Kakayanin na kaya ni Zsa Zsa na tumodo sa pagco-concert niya dapat for her 40th anniversary this November o katulad ni Pops Fernandez, i-postpone na lang for next year ang pagco-concert?

Rowell, nakalimutan ng Alma mater

Nagkaroon ng pagpaparangal sa mga La Sallian Film directors tulad nina Peque Gallaga, Clodualdo del Mundo, Jose Javier Reyes, Erik Matti, pati nga si Law Fajardo, Borgy Torre at Rica Arevalo.

May nagtanong lang, sana hindi nila nakalimutan si Rowell Santiago na hindi lang La Sallistang aktor kundi director din ng mga pelikulang Luv Text at Forever? Naalala kaya nila si Oscar Hidalgo / Wilson Tiu?

Bona at Kisapmata, laglag sa Sine Sigla?!

Lumabas na ang listahan na mga ipapalabas ulit sa ilalim ng programang Sine Sigla sa Singkwenta para sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival. Fifty pesos lang ang bayad sa mga manonood ng MMFF Film Classics. Exciting ‘di ba?

Heto lang ang mga tanong ng ilang showbiz observers? Nasaan ang pelikulang Bona at Kisapmata? Itong dalawang pelikulang ito kasi ay mga classic Filipino movies na nagmula talaga sa Metro Manila Film Festival. Magagawan kaya ito ng paraan bago mag-start ang MMFF 50 at 50? Sana!

Nakakataquote:

“To everyone messaging me, I don’t mean to be rude, but right now, I’m struggling to find the right words or feelings to respond.

“I’m also in an indescribably uneasy place after writing down everything that happened, from start to finish.

“Reliving those moments feels like I’m back in that powerless, deceive state, and with the understanding I have now, it’s impossible not to get emotional.

“To anyone else who was a victim of this person, speak up and free yourself. This wasn’t our fault; HE TOOK ADVANTAGE OF OUR INNOCENCE.”

“I sincerely hope get justice, not just for ourselves, but for the potential victims he may be targeting and everyone he already preyed on.”

– Enzo Almario, na dating miyembro ng Sugarpop noong 2006 at diumano’y hinalay ng Musical Director na si Danny Tan

vuukle comment

ACTOR

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with