^

PSN Showbiz

Sandro at mga akusado nagkita-kita; Enzo Almario, umamin kay Gerald na hinalay rin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sandro at mga akusado nagkita-kita; Enzo Almario, umamin kay Gerald na hinalay rin!
Enzo Almario

Dumalo ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa unang hearing ng kasong Rape through Sexual Assault na sinampa ni Sandro Muhlach.

Isinumite at sinumpaan nila ang counter affidavit nila sa reklamong isinampa ni Sandro.

Ayon sa legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque, maglalabas daw sila ng statement kaugnay sa isinumiteng counter affidavit.

As of presstime ay hinihintay pa namin ang statement na ipapadala nila. Pero so far ang nakuha lang namin ay ang anggulong negative diumano sa drug test si Sandro.

Dumalo rin sa hearing kahapon si Sandro kasama ang kanyang amang si Niño Muhlach at ang legal counsel nito.

Ito ang unang pagkakataon na personal na nagkita ang tatlo mula nang mangyari ang insidente. Pero maya-maya raw inihatid sa ibang silid ang dalawang respondent.

 Sinabi naman ni Niño na umiyak si Sandro pagkatapos ng kanilang pagkikita-kita.

Kahapon din ay inilabas ng singer na si Gerald Santos sa kanyang YouTube channel ang isa pang kasabayan niyang nahalay rin daw ni Mr. Danny Tan. Nag-post sa kanyang Facebook account itong si Enzo Almario na isa pala sa miyembro ng Sugarpop na grupo ng mga batang binuo ni Danny Tan sa GMA 7.

Kasama sa grupong ‘yun sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela na Rita Iringan pa siya noong bata pa siya.

Sabi nitong Enzo sa kanyang Facebook account, “It took me a while to finally take action on this issue, but now, I am no longer afraid, and I shouldn’t be the one living in fear.

“I was raped and deceived by the same person who also raped Kuya Gerald.”

Ibinahagi ito ni Gerald sa kanyang YouTube Channel, na nagulat daw siya na nagparating ng mensahe sa kanya itong si Enzo noong lumabas siya sa Senate hearing.

Ani Gerald, “Nagulat po ako, nung ako po’y lumabas sa Senado, nag-message po siya sa akin. At siya po ay mas bata pa sa akin, guys. Magkakasama kami noon sa GMA, at siya po ay miyembro ng Sugarpop na mina-manage nitong si Danny Tan.”

Dagdag pa niyang pahayag, “At dahil may mga friend din daw siya na apparently naabuso, tapos nung lumabas itong kay Sandro Muhlach, and then nung lumabas din po ako… Parang nagkaroon daw po sa kanya ng sign si Lord, ng green light na siya ay lumantad na rin.

“Dahil hindi na rin po makayanan ng kanyang konsensya na parang… hahayaan niya na lang po ba itong mga nangyayaring ganito?”

Ang masaklap pa, 12 years old pa lang daw itong si Enzo nung nangyari sa kanya ang diumano’y panghahalay noong taong 2008.

Joross, ingat magsalit tungkol kina Alden at Kathryn!

Sobrang ingat na ingat si Joross Gamboa nang makapanayam namin sa PEP.Ph pagbalik niya galing Canada.

Inabot pala sila ng pitong linggo sa Calgary, Canada  kung saan doon kinunan ang kabuuan ng pelikulang Hello, Love, Again.

Bukod sa major cast na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, si Joross lang pala ang isinama sa Canada. Ang iba ay sa Hong Kong lang nakapagkuha ng ilang eksena.

Kinulit-kulit namin ang aktor tungkol kina Alden at Kathryn, sobrang safe ang sagot niya. Hindi naman daw siya ‘yung tipong nagtatanong kung ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa.

Nanliligaw ba talaga si Alden kay Kathryn? Sabi ni Joross, hindi lang naman daw kami ang nagtatanong sa kanya nang paulit-ulit, pati raw ang pamilya niya. Interesado raw talaga sila kung nagkakadebelopan na ba ang KathDen. Hindi ‘yung para sa pelikula lang kundi ‘yung totohanan na talaga.

 “Wala akong inaalam para hindi na ako magsinungaling,” dagdag niyang pahayag.

Natutuwa lang daw si Joross dahil hindi showbiz ang magandang pakikitungo ni Alden kay Kathryn. Nakikita naman daw na sincere ito sa ipinapakitang kabaitan sa ka-loveteam niya rito sa Hello, Love, Again.

“Sa kanila, mas nakikita ko na mas genuine, ‘yung sa kanila ‘yung samahan nila, hindi ko nakikita ‘yung showbiz. Mas natural lahat ‘yung ano… ako alam ko kung sino ‘yung… alam mo ‘yung sobrang dumidiskarte, ‘yung sobrang kinakarir. Marami kasing ganun e, ‘yung bakod na bakod ka. Si Alden ano siya… I mean, ano siya sa lahat. Pero siyempre kay Kathryn ano siya… ‘yung mga pagtulong niya, paghatid niya, pagbitbit ng mga gamit…” sabi pa ni Joross Gamboa.

vuukle comment

ENZO ALMARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with