^

PSN Showbiz

Magic Voyz, kering manlandi

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Magic Voyz, kering manlandi

Ang saya nung naganap na media launching ng all-male group na Magic Voyz sa Viva Café (jampacked) nu’ng Martes ng gabi. Ang Magic Voyz ay under Viva Records at LDG Productions.

Actually, bukod sa boses nila, nangiliti rin ang grupo ng audience dahil sa kanilang kagwapuhan at kaseksihan na palaban ‘pag sumasayaw.

Kaya na-happy ang girls and acclas.

Hahaha.

Ang grupo ay binubuo ng pitong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at si Johan Shane.

Bilang baguhang grupo, sa true lang super pasado na sila at may potensyal na lalo pang gumaling.

Sina Jhon Mark, Juan Paulo Calma at Mhack Morales ay nauna nang nagbida na sa ilang Vivamax films.

Kaya sina Jace at Johan ang pambato nila sa kantahan na takaw-pansin nang kantahin nila ang Maybe This Time.

Sa ginanap na launching din ay first time na pinalabas ang music video ng unang single nila na Wag Mo Akong Titigan. Na very catchy ang lyrics at madaling kantahin.

Kaya naman happy ang kanilang talent manager na si Lito de Guzman sa naturang event. Na-miss na raw kasi niya ang mag-manage ng grupo kaya binuo niya ang Magic Voyz.

Maaalalang si Lito ang manager ng mga sumikat na Baywalk Bodies, Wonder Gays, Milkmen at Batchmates.

Sey niya, “nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko bakit hindi ako mag-training ng boys na nag-lead na sa movies.

“Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” saad pa ng talent manager.

Paliwanag naman niya kung bakit Magic Voyz ang napili niyang pangalan ng group? “Magic Voyz kasi inpired ang name nila sa Magic Mike (grupo ng male strippers),” sambit ni Lito.

Bukod sa Wag Mo Akong Titigan ire-release na rin ang kanta nilang Bintana mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan.

Para sa kanilang booking and inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tawagan sa Viva Artists Agency at 09178403522.

vuukle comment

VIVA RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with