Isang couple na mahal na mahal ang mga hayop ay sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. May maghapong free anti-rabies vaccination sa G Studios sa Linggo na tinatawag nilang Pet Care Day.
At may pet adoption din sila. Adopt Don’t Shop ang kanilang hashtag. Matuto kaya ang mga nagpapatakbo ng Balay Dako sa initiative na ito ng tunay na pet-friendly?
LT, pamalit!
Confirmed, si Lorna Tolentino na ang pumalit kay Vilma Santos sa pelikulang Espantaho kasama si Judy Ann Santos. Kasama rin ang iba pang mga premyadong aktor na sina JC Santos, Mon Confiado, Janice de Belen, Nico Antonio at pati na si Eugene Domingo. Written by Chris Martinez, directed by Chito Roño.
Aabot kaya ito sa MMFF Finished Films deadline? Magandang makita ang magiging komposisyon ng much celebrated 50th MMFF! Golden Year talaga, kaya dapat bongga!
Pulang... at Widows’, parang spaghetti ang rating
Parang nagsisibabaan na ang ratings ng Pulang Araw at Widows’ War laban sa kanilang mga katapat na Batang Quiapo at Lavender Fields. At tanging ang Asawa Ng Asawa Ko ang nakakapit sa iilang puntos laban sa Pamilya Sagrado. Bakit kaya parang spaghetting pababa ang ratings ngayon ng TV?
Speaking of Pamilya Sagrado, it has become a good acting piece sa mga relatively young actors like Kyle Echarri and Grae Fernandez.
Sana mas mabigyan pa ng chance itong mga bagong aktor kahit tapos na ang teleserye. Kumusta pala ang mga lovelife ng mga ito? Wala ba talaga?
Nakakataquote:
“I wouldn’t be too quick in praising the brat. Girl is a nightmare to deal with. Rescinded her signed contract with a brand in the most unheard of, unprofessional manner days before shoot. Then last year, her reps sent an email begging us to sponsor her 2024 concert. She wants tickets distributed for FREE, expecting the brand she treated badly to pay for her every whim.”
– Joyce Ramirez on a foreign performer set to visit the Philippines.