^

PSN Showbiz

Iza at anak, may endorsement na!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Iza at anak, may endorsement na!
Deia at Iza Calzado
STAR/File

Ang cute naman ng mga photo ng mag-inang Iza Calzado at Deia na pinost ni Iza noong birthday ni Mama Mary.

Ipinost ng aktres ang mga litrato nila na mula sa isang photoshoot. Mahaba ang naging caption niya kung saan binalikan niya ang mga panahong hindi pa siya ina.

Hindi naiwasang balikan ng misis ni Ben Wintle ang mga panahon bago pa niya ipanganak si Deia. Iniisip daw niya noon na umiikot lang ang buhay niya sa kanyang career pero ngayon ay nakita niya kung paano ito nag-bloom lalo nang maging nanay siya.

Nakakapag-shoot daw siya kasama ang daughter niya na mas meaningful at precious sa kanyang work days.

Ngayon pa lang aniya ay iniisip niya na kung kagaya niya ay mae-enjoy ng baby nila ang trabaho niya paglaki o tutulad ba ito sa mister na iwas sa camera.

Kahit ano pa raw ang daang tahakin nito ay ipagdarasal niyang mahalin nito ang buhay kagaya niya.

Pero mukhang ngayon pa lang ay kita nang susunod sa yapak ng mommy niya si Deia dahil very natural ito sa spotlight.

Lahat ay nagiging makulay at matingkad sa buhay niya dahil sa anak.

Sa huling bahagi ng post niya ay binati niya si Mama Mary sa birthday nito at nagpasalamat sa pagbantay sa kanilang mag-ina.

Binati rin ng netizens ang malaking pagkahawig ni Iza kay Mama Mary na walang dudang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. Bongga.

Heart, lumabas ang tunay na ugali

Ano nga name ng Tagaytay resto na hindi tumanggap ng dog sa loob? How cruel naman na alam nila na kasama ang may-ari pero hindi pa rin nila pinayagan.

Nakakatuwa nga na nung nag-pandemic dumami ang nagkaroon ng pets. At napansin ko na talagang alagang-alaga nila ang mga ito.

Pati nga ang stars tala­gang makikita mo na mabait maging pet parents.

Gustung-gusto ko ‘yung advocacy at pag-aa­laga ni Heart Evangelista, patunay na isa siyang mabait na tao dahil pati mga hayop minamahal niya.

Sabi nga nila, how a human treat an animal will show the real person that they are. Kaya dapat lang talaga na gandahan natin ang trato sa animals.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with