^

PSN Showbiz

Senador, interesadong dalhin sa Senado ang pelikula ni Paolo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Senador, interesadong dalhin sa Senado ang pelikula ni Paolo
Paolo Contis

Naglabas ng statement ang grupong DGPI o Director’s Guild of the Philippines kaugnay sa dalawang pelikulang binigyan ng X rating ng MTRCB, ang Alipato at Muog at Dear Satan, na ginawa nang Dear Santa.

Naglabas din sila ng kanilang paninindigan sa pelikulang Los Sabungeros na hindi ipinalabas sa nakaraang Cinemalaya 20.

Sa pamamagitan ng presidente ng DGPI na si direk Mark Meily, inilabas nila ang statement nila :  “The Directors’ Guild of the Philippines (DGPI) unequivocally condemns the recent actions of the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) in issuing an X-rating to two films, “Alipato at Muog” and “Dear Satan.” We believe these decisions represent an alarming overreach of the  MTRCB’s mandate, reflecting an unsettling imposition of political and religious biases on creative works.”

Pagkatapos ng pangalawang review ng MTRCB ay binigyan naman ng R-16 ang Alipato at Muog kaya mag-focus muna sa Dear Santa (dating Dear Satan) dahil na finalize ng naturang ahensya na bigyan ito ng X rating.

“The MTRCB’s decision, rooted in a belief that a depiction of Satan as a character capable of good is inherently harmful, disregards the long tradition of literature and film where such themes have been explored without adverse effects. Films such as “Hellboy,” “Lucifer,” and “Little Nicky” have been received positively by audiences and critics alike, regardless of their religious or moral implications.”

May panawagan sila sa MTRCB, “The DGPI calls upon the MTRCB to adhere strictly to its mandate of providing fair and unbiased film classifications, free from personal, political, or religious prejudices.

“The role of the MTRCB should be to evaluate films based on their content and merit rather than imposing subjective moral judgments that can stifle creativity and freedom of expression.

“We urge the MTRCB to review its procedures and ensure that future ratings are based on transparent, objective criteria that respect the diversity of artistic expression. The DGPI remains committed to advocating for the rights of filmmakers and the integrity of the creative process.”

May nagbulong sa aming paabutin daw ng Senado ang isyung ito ng MTRCB. May mga nagkukuwestiyon at, may isang senador daw na gustong pag-usapan ito sa Senado. Abangan natin kung matutuloy ito.

As of presstime ay ayaw na muna magsalita ni Paolo Contis.

Allen, nakabili ng dalawang sasakyan sa ‘pagdodoktor’!

Nagkaka-sepanx na raw ngayon ang buong cast ng Abot Kamay Na Pangarap, dahil matatapos na ang kanilang taping.

Ang dinig namin hanggan kalagitnaan ng October na raw ang taping nila at unti-unti nang pinatay ang ilang karakter.

Ang huling napanood namin ay pinatay na si Doc Katy na ginagampanan ni Che Ramos-Cosio.

Sino kaya ang susunod na papatayin? Inaasahan na ni Allen Dizon na baka ganun na rin ang katapusan ng karakter niya bilang si Dr. Carlos Benitez.

Paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa GMA 7 dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito at ang malaki ang naitulong nito sa kanya.

“Nakabili ako ng dalawang sasakyan dahil sa Abot Kamay. Mahilig ako sa mga sasakyan. ‘Yung sasakyan na nabili ko ‘yung alam ko na hindi ko na ibebenta, ‘yung gusto ko talaga na ito nabili ko na dahil sa Abot Kamay.

“Dream car ko to na alam ko magagamit ng mga bata pagdating ng araw,” masayang pahayag ni Allen.

Ipinakita niya sa amin ang sinasabi niyang dream car, ang Toyota HiLux GRS 4x4. Mahigit dalawang milyong piso ang halaga nito. Hindi raw niya ito ibebenta, dahil remembrance raw niya ito sa Abot Kamay Na Pangarap. Kaya ‘Doc Carlos’ ang tawag niya sa kotseng ito.

ACTOR

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with