Mula sa Boy Kabado hanggang sa Boy Panalo, matagumpay na hinarap ni Kokoy De Santos ang kanyang mga takot at inangkin ang tagumpay bilang Ultimate Runner ng top-rating reality game show ng GMA Network, Running Man Philippines Season 2.
Matapos ang sunud-sunod na mga laro at misyon kasama ang mga epic guest superstar, nagwagi si Kokoy sa huling karera, na tinalo ang iba pang runners na sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Buboy Villar, Angel Guardian, at Miguel Tanfelix. At sa finale weekend dumating ang Season 1 runner na si Ruru Madrid.
Anyway, hindi raw ito walk in the park para kay Kokoy, dahil ang buong cast ay nagpakita ng matinding laban at matalinong taktika laban sa isa’t isa sa buong season.
Sa isa sa mga huling misyon, kinailangan ni Kokoy na pagtagumpayan ang kanyang takot sa taas at bumaba sa isang 11 metrong lookout tower. Sa sorpresa ng lahat, nagawa niyang magtapos sa ikalawang puwesto, kasunod si Ruru bilang pinakamabilis na runner.
Dahil dun, naging mas determinado si Kokoy na manalo sa climax ng season—ang iconic na Name Tag Race. Sina Kokoy, Glaiza, Ruru, Lexi, at Miguel ay nakatanggap ng maraming name tag batay sa kanilang mga ranggo mula sa mga nakaraang misyon.
In an Instagram post, Kokoy expressed gratitude to his supporters and co-runners, “Maraming salamat sa inyong lahat na nagtiwala sa akin na kaya ko. Noong simula pa lang, may mga bagay na tumatakbo sa utak ko na kung bakit ako parte ng napakalaking proyekto na ito. Pero nandyan kayo para palaging ipaalala sa akin na kaya ko. Para sa inyo ito, sa pamilya ko, mga tropa ko at sa mga Kolokoys ko. Sa lahat ng bumubuo ng Running Man Philippines at sa mga co-runners ko, mahal ko kayo. Hanggang sa muli, tatakbo tayo ulit.”
Meanwhile, avid viewers of Running Man Philippines were already expressing their hopes to see the runners in another season.
Pagbigyan kaya sila?