Imbestigasyon kay Alice Guo, parang kwento sa K Drama

Alice Guo

Buong umaga hanggang tanghali talagang tumutok ako sa Senate investigation kay Alice Guo.

Kaloka ha, parang feeling ko pinaglaruan sila ni Alice Guo ha. At hanga ako na ang lakas ng loob niya sa pagharap sa mga senador.

At isa talagang pumasok sa isip ko, wala bang boyfriend si Alice para man lang magbigay ng emotional support sa kanya?

Kung iisipin mo, matapang niyang hinaharap ang mga problema niya ha.

Bongga ha.

Very charming siya at dahil sa diumano’y POGO (Philippine Offshore Gaming Ope­rators) konek niya kaya raw andami niyang datung at her age na bata pa kung iisipin mo.

Hindi ako magtataka na meron gustong gawing movie ang buhay niya dahil very exciting ha. Very colorful at kung iisipin mo ang da­ming twist.

At ang dami mong malalaman dahil pati ang corruption sa pagkuha ng birth certificate at passport, kasali sa kuwento ng kanyang buhay.

Pero parang nagsawa lang ako sa mga question ni Sen. Joel Villanueva dahil parang ang haba ng kanyang oras sa pagtatanong.

Mabuti na lang, paminsan-minsan nagsasali­ta si Sen. Win Gatchalian, nagtanong ng isang question si Sen. Bong Revilla, at Sen. Bato de la Rosa.

Napansin ko rin iyon babae sa likod ni Joel ha, panay ang emote nakaka-distract talaga.

Kaloka talaga ang hearing na inabot hanggang hapon.

Kung pogi akong lalaki liligawan ko talaga si Alice Guo. Pero sabi ni Sen Jinggoy Estrada, meron daw papa na isang Mayor din si Alice Guo.

Wow. Totoo kaya ito?

Pero hanga ako sa tatag niya sa pagsagot at tapang na harapin ang mga senators. At hindi siya nagpakita na takot o intimidated siya.

‘Pag ayaw niyang sumagot ang dialogue ay ­ “I invoke my right against self-incrimination.”

Kaloka parang drama talaga TV o Korea­novela.

Show comments