Dahil nga halos magkasunod lumabas ang isang blind item tungkol sa isang aktor na tinapos ang kanyang role sa isang long running teleserye at Sunday show, dahil sa possibleng masalimuot na issue na kinasasangkutan niya, sabay naman ang pagbababala sa publiko sa posibleng pagkolekta ng pera na gamit diumano ang pangalan niya - ang tanong - nasaan nga si Ken Chan?
Ano na ang nangyayari sa kanya ngayon?
‘Paikut-ikot’ nabuhay sa Senado!
Sabi ni Senator Jinggoy: “NAKAKAPIKON KA NA HA, NAKAKAGIGIL KA NA!”
Nakakagalit naman talaga, hindi na nakakatawa na panoorin ang Senate Hearing proceedings ni Alice Guo dahil expert na siya sa maang-maangan school of acting.
Para may konek sa showbiz, tinawag ang hearing na ito bilang “Alice in Wonderland” at binigyan ng mga netizens ng sariling theme song - “Paikut-ikot” ni either Sarah Geronimo o ni Randy Santiago.
At parang teleserye lang talaga kasi na may love angle rin diumano si Alice at Mayor Calugay ng Sual, Pangasinan according to Sen. Jinggoy. Nalilinya rin talaga si Sen. Jinggoy sa mga intriguing at controversial questions ‘no?
Sinag... ginagawan ng isyu
Kailangan kayang mag-explain ng jury ng Sinag Maynila kung bakit daw ang The Locket ang nagwagi over the more awarded and travelled film na The Gospel of the Beast?
Lumabas din ang pagmamarakulyo ng director ng Salome na si Teng Mangansakan na bagama’t wala man lang nominasyon ang pelikula niya ay nagsabi na ang The Locket ay inferior at ‘hallmark melodrama.’ Nakaka-offend daw sa direktor nito na manalo ang pelikula ng isang producer na naging best actress na tahasang nagsasabing mentor niya ang festival director.
Mahirap kasi ‘yang mga ganyang claims ng closeness at nababahiran ng pagdududa sa huli.
Calling calling Direk Briliante!!!
Caloy at Chloe, ‘di kinapitan ang guesting sa ASAP
Parang hindi nagwo-work ang pagbabagong bihis ng ASAP from ASAP NATIN ‘TO? Kung papansinin, talagang ang mga batang host na ang pinagbabanter tulad nina Robbie, Domingo Maymay Entrata, Donny Pangilinan, at Edward nang madalas. Yung mga senior ay humahataw sa performances - na magaling naman talaga.
Is ASAP predicatable o detached na sa audience na iba na ang gusto in terms of musical variety show? Kasi halos kalahati ng aggregate rating ng AOS ang sa ASAP? Or nakaapekto rin ba na hindi masyadong kinakapitan ng mga Pinoy ang pagpapasikat nina Caloy Yulo at Chloe San Juan na featured for two consecutive weekends na?
Nakakataquote:
“Gusto ko lang ma-recreate ang movie na Chicago, mahu-hurt si Alice Guo dahil mas sumikat si Apollo (Quiboloy) at super ignored na siya.” — Direk CHITO ROÑO