Erwan, may apelang parusahan ang mga fake news peddler
Tinapos na ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ang intrigang hiwalay na sila.
Nag-post ng litrato nilang mag-asawa si Erwan para matigil na ang mga marites na gumagawa ng fake news tungkol sa hiwalayan nila.
“Marked safe,” caption nito sa litrato nila habang kumakain sa isang seafood restaurant.
Sinabi niyang wala raw silang kailangang patunayan sa kahit sino pero kailangan daw ng lahat na bawasan ang pagpapaniwala sa mga nakikita online. Hindi raw ibig sabihin na maraming views ang isang post ay totoo na ito at nagpayo na mag-Facebook detox muna.
Natuwa naman ang netizens sa sinabi niya na hindi dapat kinukunsinti ang fake news. Dapat nga raw ay magkaroon na ng batas para parusahan ang mga fake news peddler.
Maaalalang naintriga ang mga magulang ni Dahlia na hiwalay na matapos daw magpahayag ng kanyang suporta ang It’s Showtime host sa Divorce Bill. Inisip agad ng netizens na may pinagdadaanan ang mag-asawa.
Nadagdagan pa ito nang makita nilang hindi kasama si Erwan nang magpunta ang mag-ina niya kasama sina Jasmine at nanay nito sa Australia para dumalo sa kasal ng isang malapit sa pamilya nila.
Mas umingay pa ang ispekulasyon na nagkaproblema ang mag-asawa nang hindi na raw suot ni Erwan ang wedding ring niya na dinepensahan ng netizens na maaaring tinanggal lang nito pansamantala dahil lagi itong nagluluto para sa kanyang mga content.
Inakusahan pa nilang nambabae ito at pati ang kapatid ni Anne na si Jasmine ay nadamay pa sa fake news.
Well, tama ang ginawa ni Erwan. Sinupalpal ang mga Marites na walang kuwenta ang mga chika.
Kahit ano na lang may masabi lang.
Dapat talaga, bawasan na ang paggamit ng social media para maiwasan ang fake news.
- Latest