Tulad ng fake heiress... Buhay ni Alice Guo, gustong isa pelikula ng independent producer!
Sosyal, meron daw producer na nagpaplanong gawan ng biopic si Bamban Mayor Alice Guo. Interesado diumano ang independent producer na ito na sugalan ang buhay ng kontrobersiyal na personalidad na nahuli sa Indonesia matapos tumakas ng Pilipinas.
Bukod sa mga kasong kinakaharap tungkol sa mga ilegal na aktibidad na nauugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOS), binaha rin ng kritisismo ang mga government official matapos lumabas ang mga larawan nito na animo raw ay isang celebrity ang pagtrato sa kilalang pugante na naka-selfie sa kabila ng extradition na nagdulot nga ng kung anu-anong alegasyon ng double standards diumano na sistema ng hustisya sa bansa.
Pero pinagkibit-balikat naman ni Pangulong Ferdinand Marcos ang galit ng marami sa ginawa ng mga opisyal dahil iginiit ng pangulo na ang Pilipinas ay tinawag na “selfie capital of the world.”
Sabagay, talagang tumi-trending si Alice Guo sa kanyang mga picture na unbothered ang awra and selfie is life attitude kaya parang nagkaroon na rin ito ng confidence. As if celebrity talaga ang kontrobersyal na mayora.
Pero ‘yun nga, haharap siya bukas sa Senado. Kaya may aabangan na naman ang mga tao.
Ang mga drama raw talaga sa totoong buhay ang mas pinag-iinteresan ngayon ng karamihan na mas malalim pa nga naman sa kuwento ng ibang teleserye.
Anyway, matuloy naman kaya ang planong biopic ng independent producer?
Mag-ala Anna Sorokin (aka Anna Delvey), ang fake heiress, kaya si Alice Guo? Si Anna Sorokin, na sinasabing con artist na nahatulan ng panloloko sa mga bangko, hotel, at mga kaibigan noong 2019 matapos magpakilalang isang mayamang tagapagmana ng Aleman ay may bagong pakikipagsapalaran: Dancing With the Stars.
Nag-trending din sa Netflix ang Inventing Anna na isang drama miniseries na inspirasyon ng kuwento ni Anna Sorokin at ang artikulo sa New York na pinamagatang How Anna Delvey Tricked New York’s Party People ni Jessica Pressler.
- Latest