Naalala ni Julie Ann San Jose na lagi siyang nagkakasakit nung mag-audition siya sa isang singing competition.
Teenager lang siya noong nabalitaan niyang may audition sa isang mall kung saan sila namamasyal kasama ang kanyang pamilya.
Wala siyang plano na mag-audition pero sumubok siya. Luckily, nakatanggap siya ng callback.
Pero aniya iba ang proseso noon kesa ngayon. “Kasi nakapasok ako ng screening, hanggang sa nagtuluy-tuloy na siya. Tapos every now and then, nagkakasakit ako palagi, hindi ko alam kung bakit. Siguro nai-stress ako, hindi ko alam kung ano ba,” flashback niyang kuwento sa ginanap na press launching ng The Voice Kids kung saan nga isa siya sa mga coach.
Dagdag niya “Ang dami kong iniisip as a kid. Tapos, syempre hindi ko pa alam kung ano ‘yung mga dapat kong i-expect, kung ano ba ‘yung mga dapat kong gawin kapag ka nandun na ako. And then, nung nandun na ako sa competition, syempre nung first salang ko kinakabahan ako, pero sabi ko, sige enjoy ko na lang ito kasi baka alam mo na like once in a lifetime lang itong moment na ito eh. So might as well, enjoy.
“And then, siguro kung hindi man ako palarin, okay lang I’ll go back to school. Mag-aaral na lang ako ulit. Tutal ‘yun din naman ‘yung gusto talaga ng mga magulang ko. And then, hanggang sa nagkaroon ako ng callback,” pag-aalala pa niya sa kanyang karanasan.
“Hindi ko rin ‘yun ini-expect. Sabi ko kasi, parang hindi talaga ito para sa akin. Tapos hanggang sa natuluy-tuloy na ang opportunities, nagkaroon na ng mga offer ganyan. And then, I became a member of a group. And then, I became a mainstay of variety shows. Tapos, I also had a chance to make my own album, mga singles ganyan. Sabi ko, parang okay maybe talagang inilaan talaga ito ni Lord para sa akin. There were certain hardships. Kasi parang minsan hindi ko alam kung saan pupunta ‘yung journey ko.”
Aniya, magagamit ang pinagdaanan niya ng mga batang susubok sa The Voice Kids.“Kasi bata pa nga ako, ‘di ba? Tapos, darating sa awkward stage. Parang darating din sa point na, parang walang nangyayari, or dapat ba mag-stop muna ako, mag-quit na lang ako siguro. Tapos, sabi ko sa sarili ko, hindi kasi binigyan ako ni Lord na ganitong klaseng opportunity. Binigyan ako ni Lord ng ganitong klaseng mga talento. So, I’m going to use it. Kasi ginamit Niya akong instrumento para makapagpasaya ng mga tao and makapag-inspire ng mga tao, especially ng mga kabataan.
“So, ‘yun ‘yung parang naging, feeling ko ito ‘yung purpose ko in life. It’s really to inspire them through my craft. And I’m happy because I’m still doing it. And I’m still here,” pagtatapos niya kung bakit siya inspirado na mag-coach sa mga batang may katulad niyang pangarap pero hindi sumuko.
Mag-uumpisang mapanood ang The Voice Kids sa susunod na Sunday, Sept. 15, hosted by Dingdong Dantes. Makakasama niyang coach sina Billy Crawford at SB members na sina Stell and Pablo.