Videoke hits ni Ice sold out na, may bagong petsa ulit

Ice Seguerra

Isang linggo bago itanghal ang inaabangang birthday concert ni Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition, sa Setyembre 13, sold out na pala agad ang tickets nito.

At sa mga hindi nakabili ng ticket, may chance pa rin kayo para ma­kisaya dahil nagdagdag pa ng isang show sa Nobyembre 8, 2024, sa Music Museum pa rin.

Sa pangatlong edisyon ng Videoke Hits concert series ni Ice, puno ulit ito ng iconic OPM hits.

Pagsasamahin ng concert ang saya ng karaoke at ang energy ng isang live performance, na siguradong magbibigay na naman ng hindi malilimutang rendisyon ng mga paborito nating OPM.

Kasama sa lineup ang mga kantang tulad ng  Gento ng SB19 at ang dance performance ni Ice sa Salamin-Salamin ng BINI. Magpe-perform din siya ng sarili niyang rendition ng Isang Linggong Pag-ibig at Anak ni Freddie Aguilar sa pinakahihintay na Ice-fied segment.

Kaya naman todo ang kanyang pasasalamat dahil hindi nagsasawa ang kanyang fans : “ Ngayon pa lang, gusto ko pong magpasalamat sa napakagandang birthday gift ninyo sa akin. Pramis, gagalingan ko talaga para sa inyong lahat! At dahil ang dami pang gustong maki-jam, nagdagdag kami ng bagong date para sa isa pang Videoke Hits OPM Edition.”

Anyway, available na ang tickets mula P1,500 hanggang P7,000, kasama ang special perks para sa VVIP gaya ng Soundcheck Experience at Meet & Greet para sa Nov. 8.

Para sa ticket inquiries, kontakin ang Fire and Ice LIVE! sa 0917-542-0303 o bisitahin ang www.ticketworld.com.ph.

Show comments