Namatay na ang Brazilian musician na si Sergio Mendes, na nagpakilala ng bossa nova sa music industry noong 1960s. Binawian siya ng buhay sa edad na 83 sa Los Angeles, ayon sa kanyang pamilya.
Ang sabi sa mga online report, sinabi ng pamilya na nagdurusa ito sa mga epekto ng matagal na COVID, na namatay na napapalibutan ng kanyang asawa at mga anak.
Isa siya sa pinakamatagumpay na Brazilian artist sa buong mundo at nakagawa pala siya ng 35 album.
Ang daming local artist na sumikat bilang bossa nova pero hindi na rin aktibo ngayon.