^

PSN Showbiz

PBBM, tanggap ang bagong kultura ng selfie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
PBBM, tanggap ang bagong kultura ng selfie
Pangulong Ferdinand Marcos Jr

Bongga ‘yung reaction ni Pangulong Bongbong Marcos na selfie ng marami sa kontrobersyal na mayor na si Alice Guo.

Sa halip na mag-react ng negative, sinabi niyang sa ngayon talagang kultura na ng marami ang selfie kaya walang masama. Siyempre celebrity ang dating kaya hayun lahat halos type magkaroon ng souvenir na kasama siya, kaya ok lang sa ating Pangulo.

Talagang ang lawak ng pag-iisip ni PBBM sa mga bagay-bagay. Hindi kataka-taka na tumaas ang rating niya sa mga tao dahil kita mo, kung paano siya mag-adjust sa kultura natin ngayon.

Nakakatuwa nga na marami sa mga nagaganap ay naaayos na noon pa ng father ni PBBM na si dating president Ferdinand Marcos. Para bang inihanda na talaga para sa kanya ng kanyang ama.

Para mas maging maayos, maganda at tahimik ang ating bayan, sundin natin at irespeto ang kanyang mga sinasabi na sigurado akong para sa rin naman sa ating lahat.

Bongga.

Paolo, hindi apektado kahit iisa ang regular show!

Talagang maganda ang mood ni Paolo Contis kahit pa nga disappointed siya sa resulta ng naging decision ng MTRCB sa pelikula niyang Dear Santa  na dating Dear Satan ang pamagat.

Hindi niya akalain na ang feeling niya na nakagawa siya ng isang magandang film ay magiging controversial. Akala pa naman niya magiging smooth sailing dahil nga sa concept nito na isang mabait na Satan ang kanyang papel.

Isang napakahusay na actor ni Paolo kaya sayang nga na hindi nabibigyan ng roles sa mga series na madrama.

Very happy sa Bubble Gang si Paolo pero sana rin mabigyan siya ng dramatic roles para maipakita niya ang varied talent niya.

Sayang naman pero sa isang talent na tulad niya na very confident sa alam niyang puwede niyang gawin, no problem. Hindi maaapektuhan ang kanyang confidence sa mga minor lapses ng iba.

Hanga nga ako sa pagiging very patient and quiet niya sa mga nagaganap sa kanyang career. Iyon bang ok lang bahala kayo.

vuukle comment

LAW

PBBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with