Nasa Amerika na ulit si Grae Fernandez para balikan ang pag-aaral.
Sa Monday (sa Amerika) ang umpisa ng pasukan.
“And again, I don’t know what the future holds with, of course, anyone naman po ‘di ba. So for me, if there’s a project na talaga na right after (Pamilya Sagrado), of course, I’m going to grab that opportunity when it’s there. But after any student completes any kind of educational program in the States, they have an OPP, which allows you to stay in the States for a year and actually work within your specific field. So habang wala pa po akong project dito sa Pilipinas, I’ll audition or even just do the smallest theater things off-broadway,” sabi ng actor na anak ni Mark Anthony Fernandez sa pag-alis niya sa bansa nang makausap namin sa thanksgiving presscon ng Pamilya Sagrado days ago.
Napansin at maraming pumuri kay Grae sa mga eksena niya sa Pamilya Sagrado na pinagbibidahan nila nina Piolo Pascual and Kyle Echarri.
Pero handa ba siyang gumawa ng Boys’ Love movie?
“To serve the purpose of, to label nga ‘di ba of sex or erotic, of course ‘no. Pero if it’s a good story, na may sinasabi pero it has that aspect, of course you know, why not? Pero let’s say action, for the sake of action, or romcom, for the sake of romcom. You know it has to be a story na may masasabi talaga at may pino-portray kayo na totoo. So, let’s say you have a role; theoretically speaking, talaga na parang role na you’re sexually abused or something like that, and there are scenes that are very sensitive and that sense. Kung may masasabi ka talaga about reality. I mean, I’m game to do that for the sake of this art but not specifically for a scene,” sagot ng young actor na gumaganap bilang Justin na anak ni Piolo Pascual sa serye, na galing sa isang prominenteng showbiz family ng mga Fernandez.
Noong 2022 ay namahinga si Grae sa showbiz para ituloy ang degree sa pag-arte sa Stellar Adler Studio sa New York City, bilang full-time student.
Hanggang dumating ang offer ng PS kaya siya tumigil sa pag-aaral.