Nabuhay na naman sa social media ang issue sa pamilya ni Carlos Yulo lalo pa’t nag-live selling na naman ang nanay nito na si Angelica. Wala namang masama, ‘di ba?
Pero nagco-comment lang ang mga tao na sa rami ng nakuhang mga premyo at mga napuntahang functions, hindi pa rin talaga nagkakausap man lang ang magpapamilya.
Nauna pa talaga ang ASAP guesting at iba pang socials?
Dahil dito, hindi lubusang mayakap si Caloy bilang huwarang Pilipino.
At ang tanong ng netizens, bakit si Chloe San Jose ang sumasagot in behalf of Caloy? At hindi natapos sa sagot ni Chloe ang palitan ng statements ng tatay.
Ang sabi ni Tatay Mark Andrew Yulo, “TINATAWAGAN KO KAYO NI CALOY AYAW NYO SUMAGOT.”
Nilinaw ni Mark Andrew Yulo, ama ni two-time Olympic gold medalist, na siya talaga ang nagkomento sa post ng anak na pabalik ng Paris bilang pagsuporta sa mga Pilipinong atleta sa Paralympics. “Asan na yung tawag nyo, yung mga bintang nyo sa nanay ni Caloy puro kasinungalingan, dapat maayos na ‘to,” ang sabi ng tatay ni Caloy.
Nakakaawa at sa social media naipadadaan ang lahat, ‘di ba? Parang maiiwasan naman ang lahat ng ito kapag nag-uusap talaga ang mga magkakapamilya. Nakakalungkot talaga!
Congratulations sa lahat ng mga Pinoy na nanalo sa ContentAsia Awards kabilang na ang tatlong major awards sa ABS-CBN.
Sa GMA naman: Secret Slaves: A Jessica Soho Report on Human Trafficking Best Current Affairs Programme Made in Asia for Regional Asia and/or International Markets, Metro Manila Film Festival 2023 Best Picture Firefly Silver Award for Best Asian Feature Film/Telemovie at All-Out Sundays won the Bronze Award for Best Variety Programme.
Nagwagi rin ang Masters of the Games, PTV for Best Sports Magazine Programme Bronze kaya dumalo rin si Bill Velasco sa Taipei, Taiwan.
Higit 500 entries ang nakuha from 13 countries and territories sa Asia para sa ContentAsia Awards. Dumalo rin sina Kim Chiu at Kaila Estrada na nominado para sa performances nila sa Linlang pero better luck next time.
Parang ang feeling ay we can do better, ‘di ba? Basta, tuloy lang sa paggawa at gagalingan at gagandahan lago dahil kaya nating manalo pa ng mas maraming international awards pa sa susunod, promise!
DGPI, may position letter sa Satan...
Pagkatapos ma-lift ang X rating ng MTRCB sa Alipato at Muog at naging R-16 na kahapon, heto at nanatili ang pagiging X ng Dear Satan ng MAVX Films.
Totoo bang may inihahandang position paper ang Directors’ Guild Of The Philippines (DGPI) tungkol sa MTRCB?
Nakakataquote:
“After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo... Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO... Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.
“Diba, after kausapin si caloy... Para sa paghahanda sa Olympics. Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY ... Hindi ka pa ba priority eh magka live in na nga kayo.
“Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo? Sinabi mo ‘di ba MAGPAPAKAMATAY ka?” – Gerald Fajardo to Chloe San Jose, the post was reposted by Caloy’s father, Mark Andrew Yulo