^

PSN Showbiz

Derek, hulog na hulog sa anak ni Ellen

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Derek, hulog na hulog sa anak ni Ellen
Derek Ramsay at Elias

Pinabulaanan ng aktor na si Derek Ramsay ang akusasyon ng netizens na nagpapanggap lamang siya sa mga ginagawa niya para sa anak ng misis niyang si Ellen Adarna na si Elias.

Sinagot niya ang netizens at sinabing honeymoon nila iyon ng misis at gusto niyang ma-experience ng bata ang Africa kasama sila.

Masarap din daw kasama si Elias. May problema na raw ang isang tao sa sarili kung hindi kayang mahalin ang batang ito.

Natural daw sa kanya ang mahulog dito na kadugo ng misis na si Ellen.

Sa mga nang-iintriga naman daw sa relasyon nila ng tatay ni Elias na si John Lloyd Cruz ay wala naman daw silang problema.

Hindi raw sila best friends at hindi rin sila magkaaway. Hindi pa rin naman daw ito nawawalan ng oras sa anak dahil every weekend ay nakay Lloydie si Elias.

Malaki pa rin daw ang respeto ni Derek kay John Lloyd pagdating sa pagpapalaki ng anak.

Masaya nga raw ang co-parenting setup nina Ellen at John Lloyd at hindi naman daw inaangkin ni Derek ang karapatan nito bilang tatay ng bagets.

Maaalala ngang pati si Ellen ay dinepensahan si Lloydie sa netizen na pakialamera na nagkomento nang wala ito sa recital ni Elias. Sinabihan nito ang netizen ng “mind your own business” at tinawag ito na close-minded.

UH, maraming haing impormasyon

Dahil nga maaga akong magising, naging habit ko na manood ng Unang Hirit. Gusto ko siya dahil varied topics ang pinag-uusapan nila.

At type ko rin ang hosts na sina Susan Enriquez, Arnold Clavio, Ivan Mayrina, Maris Umali at iba pa.

Maganda ang banters nila. Saka maganda ring nalalaman mo na agad ang mga balita sa umaga pa lang. Very informative pa kaya feeling mo early morning marami ka nang alam.

Kaya naman palagay ko ito ang rason kung bakit marami ang addict sa Unang Hirit.

Kaya siguro talagang mahal na mahal ni Arnold Clavio ang programa at talagang basta good condition siya, report agad siya sa Unang Hirit.

Sina Emil Sumangil naman at Ivan Mayrina ang talagang bet ko after Mike Enriquez. Ang ganda nilang magbigay ng balita.

Naku ‘pag nasa bahay ka imposible ka na ma-bore dahil pagbukas mo ng TV, ang daming shows na mapapanood lalo pa nga at meron kang cable.

No time na masasayang sa iyo, maniwala kayo kaya bongga.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with