Gulat pala si Pablo ng SB19 nung nalaman niyang may offer siyang maging coach ng The Voice Kids ng GMA 7 na magbabalik sa Sept. 15, hosted by Dingdong Dantes.
Ito nga ang inamin ni Pablo kahapon, sa ginanap na media conference. Na-shock daw siya dahil nauna nang naging coach si Stell.
“First time ko pong marinig na ino-offer po sa akin ‘yung pagiging coach sa The Voice Kids, nagulat po talaga ako kasi hindi ko siya ini-expect kasi nandito na si Stell pero for me parang sobrang interested din po ako sa kanya kasi nasa point in life ako na gusto ko talagang ibahagi ‘yung knowledge na natutunan ko especially sa pagpe-perform with these guys for almost like 7 years na yata po,” pahayag ng bagong dagdag na coach ng The Voice Kids.
Makakasama na siya nina Billy Crawford, Julie San Jose and Stell nga.
Dagdag pa niya : “And mahilig din po ako mag-produce so, it felt like right opportunity siya for me kaya talagang nung sinabi sa akin na, gusto mo bang maging coach sa The Voice Kids?, sabi ko, pinag-isipan ko nang saglit pero sabi ko, hindi, grab ko na ito kasi ito na ‘yung opportunity para maipakita [at] maibahagi ko kung ano ‘yung natutunan ko for the past years.”
At pakiramdam niya, ang tagal na niyang kasama ang grupo ng TVK.
“Parang matagal na kaming magkakakilala kasi po talaga sa team ng coaches parang ewan ko, asaran agad. Alam ninyo po ‘yung parang hindi kami nagtatrabaho, parang magkakaibigan lang kami matagal na,” kuwento niya pa kahapon.
“Tapos si Julie naman syempre, sister kasama ko lagi. Minsan nakakasawa na nga pero ayos lang din (patungkol kay Stell na nagbibiro). Pero ayun po ‘yung nakatrabaho ko na rin po si Ms. Julie Anne po at si kuya Billy, ‘yung hobbies din namin magkakaparehas (motor) so madali talaga kaming nakapag-connect sa bawat isa and nung nag-start na ‘yung promotional activities ng The Voice Kids doon ko naramdaman na parang parte talaga ako nung family ng coaches ng The Voice Kids.
“So, nagpapasalamat din ako kasi nakakapagtanong din ako sa kanila, ano ‘yung experience ninyo sa The Voice Kids? Paano ba? Kasi especially kids nga ito. Kids ‘yung mga iha-handle namin. Personally, meron akong parang reputation sa mga supporter ko na masungit ako so, I don’t know how I will handle these kids pero I’m just really excited na ma-meet sila and syempre, alam ko naman syempre mag-a-adjust ako kung paano kung maibabahagi sa kanila ‘yung knowledge ko at syempre with the help of the coaches. Talagang nagtatanong ako, ano ba pwedeng gawin? Paano ba? Kunwari, kung may matatanggap. Mga ganung bagay. They’re very helpful naman sa akin,” mahaba pa niyang kuwento.
At nakaka-relate siya sa magiging proseso dahil pag-aalala niya, bata pa lang siya ay mahilig na siyang kumanta.
“Nung kabataan ko po... pero ang alam ko lang mahilig din po talaga ako umawit. Tapos every time po siguro na nakakakita ako ng child na kumakanta sobrang nai-inspire ako kasi dun din po kami nagsimula, alam po ni Stell. We’re very new sa industry pero we also had our share of challenges.
“Talagang merong point na talagang maggi-give up ka pero back then, nung nagti-training kami ang nasa isip lang namin nun gusto namin mag-training araw-araw, gusto naming umawit, gusto naming ma-experience makapag-perform sa malalaking stage. Ganun din po ‘yung mga kid parang sobrang puro nung intention nila. Ginagawa nila ‘yung bagay kasi ‘yun nga po iyon ‘yung pangarap nila, iyon ‘yung parang gusto nilang gawin sa buhay, umawit or even just to entertain people. Every time na nakikita ko sila parang kapag napanghihinaan ako ng loob, naalala ko ‘yung nag-uumpisa pa lang ‘yung SB19, kami nila Stell.
“And through that, namo-motivate ako, nai-inspire ako. So, this kind of platform, the Voice Kids, sobrang blessing po siya sa akin kasi nari-relief po ‘yung feeling ng nagsisimula pa lang kami ng SB19. Kaya sobrang excited na akong ma-meet ‘yung mga bata,” mahabang kuwento pa ni Pablo na leader at composer ng mga hit song ng SB19.