Iya, final clearance na raw sa 5th baby

Iya, Drew at mga anak
STAR/File

Maraming napa-OMG sa post kahapon ng mag-asawang Drew Arellano and Iya Villania.

Preggy na naman ang TV host para sa fifth baby nila ng mister.

Kaya naman ang komento ng iba, masyadong ginalingan ng mag-asawa. Makikita nga sa isang Reel video ang announcement ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Komento ni Bianca Gonzales: “Iba!!!! Basketball team na!!!! Congratulations Team A!!!”

Pero sabi ni Iya ay magsasara na ang kanyang tindahan. “Final clearance na toh before shop closes,” bilang sagot sa isang nagkomento.

Show comments