Ewan ko kung bakit ganito ang panahon eh September na. Looking forward pa naman ang lahat sa darating na Pasko.
Medyo nalungkot nga ng konti si Paolo Contis sa naging issue ng pelikulang Dear Satan dahil feeling niya may pang-festival movie na siya pero na X ng MTRCB.
Sana naman maging maayos dahil tuwang-tuwa pa naman si Paolo sa paggawa ng movie. Sana rin kung meron siyang issue sa GMA maayos din dahil napaka-loyal niya sa station.
Sayang kasi na iisa lang ang ginagawa niya na weekly pa, eh ang talented ni Paolo. Puwede sa drama at comedy.
Pero alam mo ba kung ano talaga wish ko para kay Paolo, ang sana magkaroon na ito ng bahay na sarili niya.
Happy ako na sina Tonton Gutierrez at Alfred Vargas meron na, kaya dream ko para kay Paolo Contis magkaroon din. Happy thoughts sana dream come true na para bongga.
Sandy at Amy, ‘di nakalimot!
Naku dinalaw ako nina Sandy Andolong at Amy Austria sa FEU Hospital kung saan ako nagpapa-dialysis.
Talagang kung minsan gusto mo ring may dalaw pero actually mas gusto mo na in quiet thoughts ka ‘pag nasa dialysis. Kasi nga hindi mo naman pinangarap na habang nasa dialysis ka nakikipag-chatty ka sa mga bisita mo. Iyon bang siyempre may mga kasabay ka na ayaw siyempre paistorbo.
At natuwa ako dahil malayo ang mga bahay nina Sandy at Amy pero nag-effort pa rin silang puntahan ako, for that I will be forever grateful.
Talagang very sentimental ka ‘pag maysakit. Para bang lahat ng gawin for you touches your heart.
Pati galit merong cutting edge sa puso mo. Sobra kang emotionally affected ng mga nagaganap sa paligid. Kaya naman medyo maingat ka rin pagdating sa anuman.
Sana lahat ng bagay maganda para walang masasaktan. Pray natin iyan para bongga.