^

PSN Showbiz

Ang Karanasan sa Kulungan ni Aeron

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

5 years ago nang maging guest namin sa aming Youtube Show na WTFu ang model at fitness coach na si Aeron Cruz. (lakas ng dating mo, bro!) Isa sya sa mga kasama sa unang batch ng mga boys nung nagsisimula pa lang kami sa show. (akala ko nga magiging kami.chos!) Syempre hindi sya nagpahuli sa pagsagot sa mga naughty questions at challenges. (kinilig nga ako, bro!)

Taong 2019 nagulantang kami nang masangkot sya sa gulo. Dinampot sya at ang kasama nyang bababe ng mga pulis nang dahil umano sa droga.

“May nag-chat sa’kin na girl, sabi nya iinom kami o gigimik kami sa BGC. ‘Di ko po alam na ‘yung girl, may kasama na po pala syang naka-civilian na pulis na taga PDEA. Dun na po nagsimula ‘yung sinasabi nilang Buy Bust Operation, “pag-alala ni Aeron.

Buong akala ko ay nalagpasan na nya ang dagok na ito dahil taong 2022, nakatanggap pa ako ng mensahe sa kanya sa instagram at nangangamusta. ‘Yun pala ay nasa loob sya ng piitan ng mga panahon na ‘yun. (syempre ‘di ko na kasi sya inurirat sa mga bagay-bagay!)

“Hindi ko po sinabi sa inyo na nakakulong ako kasi baka matakot ka sa’kin. May mga ilang kaibigan kasi ako na ‘pag nag-message ako, hindi ako pinapansin o bina-block ako. Nakakapag-post ako sa ig ng mga dati kong photos kasi ‘pag dinadalaw ako ng pa-rents ko, pwede ako makigamit ng cellphone. “Pagpapaliwanag ni Aeron (as in puro hubad pa rin ‘yung mga photos na nakikita ko ha!)

Hindi biro ang pinagdaanan nya sa loob ng kulungan: “Minsan, syempre hindi po maganda ‘yung experience kasi maliban sa mainit, masikip at ‘di masarap ang pagkain, magkakaiba kaming tao. May mga iba dun na pabalik-balik na. Hindi maiiwasan na magtatalo kayo dahil sa init ng ulo at ‘di pagkakaintindihan, pero may sinusunod kaming batas o magna carta sa loob. Pag ‘di ka sumunod, pwede kang maparusahan.”

Isa sa hindi niya makakalimutang karanasan bilang bilanggo, ang makasama ng ilang linggo sa selda ang actor na si Vhong Navarro na nasangkot naman sa ibang kaso. Dati na silang nagkatagpo nang maging finalist si Aeron ng Gandang Lalaki sa It’s Showtime. (ay ako maganda, bro!)

“Masaya siyang kasama. Marami akong natutunan sa kanya tulad ng hindi dapat mawawala ‘yung hope at faith. Magtiwala at manalangin ka lang sa Panginoon. Sabay po kami kumakain, sabay rin kami nagba-basketball sa loob,” pagbabahagi ni Aeron.

Madamdamin din ang naging tagpo nang maunang makalabas si Vhong. “Niyakap nya ako nang mahigpit at sinabi nya na ikaw na next na lalaya, Aeron. Parang maluhaluha sya nun. Kasi answered prayer nya ‘yung makalaya. Nalungkot ako kasi syempre may pinagsamahan kami pero may halong kasiyahan para sa kanya.”

Makalipas ang limang taon at isang araw, napawalang sala si Aeron, at sya ay nakalaya. “Nagpapasalamat ako sa pamilya ko, sa nanay at tatay ko. kasi hindi nila ako iniwan at hindi ako pinabayaan sa haba ng panahon na nasa kulungan ako. Pati syempre sa sister ko, na ‘di nila ako tinalikuran. Syempre sa Panginoon sa pagsagot sa araw-araw kong dalangin sa Kanya.”

Mapapanood ang kanyang buong panayam sa special edition ng WTFu sa youtube. “Ang plano ko ngayon is makabawi ako sa parents ko. Tutulungan ko po sila. Kung ano ‘yung naitulong nila sa’kin, gusto ko ‘yung suklian. May plano rin ako makabalik sa TV, sa showbiz, para maka-inspire na rin sa tao, lalo na sa kabataan.” (tara gym na tayo, bro! )

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

vuukle comment

YOUTUBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with