Sinagot ni Kyle Echarri ang status ng relationship nila ni Andrea Brillantes.
“Masaya naman po kami. Okay naman po kami. We’ve always just been friends. We’ve always been very good friends,” sabi niya sa amin sa ginanap na mediacon at thanksgiving event para sa Pamilya Sagrado last Sunday (Setyembre 1).
Marami kasing kinilig sa kanila lalo na sa ginawa ni Andrea na jowa for a day with Kyle.
May chance ba ulit? O may naudlot ba?
“Hindi ko po kasi masabi na hindi po nangyari dati eh. So you know, I’m not gonna lie pero na-hint na rin ‘yan ni Blythe (Andrea) ‘yun. Alam naman ng iba it’s just something na hindi naman kailangan sabihin pero...”
Nung sinundan mo siya Korea, ganun?
“Basta mahal naman namin [ang] isa’t isa. We love each other in different ways. She will always be someone that I care about, someone that’s important to me, and I think vice versa. I think. Pero we appreciate each other, and we’re in the shift for the long run. I know we’re going to be together for a long time, and she’s very important to me,” paliwanag ng actor sa interview ng ilang entertainment editors.
Ngayon ay bilib siya sa young actress na niyakap nito ang kanyang independence.
At aniya pagdating sa traits, maraming siyang gusto kay Andrea.
“Marami po pero isa po siguro sa ngayon, siguro ‘yung pinaka-gusto kong trait sa kanya ngayon ‘yung pagka-embrace niya sa independency niya ngayon. I’m so happy that she’s finally embracing being alone.
“She’s going to explore the world alone. She’s also very faithful, and I’m so proud of her now. I’m super proud of who she is right now, and I can’t wait to just keep watching her grow,” paliwanag ng young actor sa paghanga kay Andrea.
Samantala, napag-aralan na niyang tanggapin ang nangyari sa kapatid na bunso.
Pero aniya, hindi masasabing ok na talaga siya.
“I’ve never been okay naman po talaga. I’ve learned to accept that grief is going to be something that lives with you forever, and it’s something I just have to learn how to, maybe not move on from, but move on with kumbaga.
“I know it’s always going to come back to me. May mga ilang araw talaga na mami-miss ko lang po talaga ‘yung kapatid ko pero hindi natin maiiwasan ‘yan.
“Parte na po ‘yan ng buhay ko eh. Pero ang ginagawa ko lang naman po ngayon, trying my best to live my life the way she wanted to live her life. My sister was an angel on this earth, so I’m just trying my best to, just like Moises, gawin kung ano pong tama,” patungkol sa namatay niyang sister na si Bella.
Namatay si Bella noong nakaraang taon, April 2023, wala pang isang taon matapos siyang ma-diagnose na may tumor sa utak.
Sa kasalukuyan ay maganda ang nangyayari sa career ni Kyle lalo na at talagang napatunayan niya ang husay sa Pamilya Sagrado.
Level up ang kanyang pagiging actor?
“Masasabi ko pong level up sobrang... hindi naman sa feeling ko nasa ibang level na akong ganun pero level up na it’s something I’ve been dreaming of.
“This will always be something I could only dream of when I was younger. Hindi ko aakalain na aabot din ako sa ganito ang career ko. Especially working nine years of my life since I was 12 years old po, and then nandito po ako ngayon. It’s such a full circle moment for me, itong show na ito, and I’m so happy,” pahayag pa ni Kyle.
Nauna na niyang sinabi na may nararamdaman siyang pressure pero honored to be called na one of the “next in line” dahil nga sa seryeng pinagbibidahan nila nina Piolo Pascual and Grae Fernandez.
“Maraming magagaling na artista sa ABS-CBN kaya para sabihin na isa ako doon, talagang nagpapasalamat ako.”