Hindi raw nakikialam ang batikang aktres na si Coney Reyes sa love life ng anak niyang si Mayor Vico Sotto.
Ikinuwento niya sa Fast Talk with Boy Abunda ang tungkol sa pagiging nanay niya pagdating sa pakikipagrelasyon ng mayor ng Pasig.
Marami raw ang gustong magreto sa anak niya pero nagso-sorry na lang daw siya sa mga ito dahil hindi siya nakikialam sa lovelife nito.
Nasasabihan pa nga raw siyang strict pero itinanggi niya ito. Tinigilan na rin daw kasi niya ang pagtatanong sa anak tungkol sa pagkikipag-girlfriend at pag-aasawa. Hindi raw gaya noon na kinukulit pa niya ito kung may nagugustuhan na ito pero ngayon ay hindi na raw.
Totoong alam niya kung paano pinalaki ang mga anak na may takot sa Diyos.
Mukhang mas tutok nga ang mayor ng Pasig sa tungkulin niya kaya wala pa siyang panahon makipag-jowa.
Sinabi na rin naman nito noon na talagang focused lang muna siya sa trabaho. Pero umaasa siya na makasal bago mag-40.
Gusto raw niya ng matalino at pareho sila ng wavelength pagdating sa topic ng governance kung sakaling magkaroon siya ng karelasyon. Bongga.
‘Follow the flow’
Kahit may ulan, meron pa rin akong dialysis session na apat na oras. Kaya naman kahit tamad na tamad akong bumangon talagang force to good ka dahil nga wala dapat absent sa dialysis.
Kaya nga gloomy weather na may pa-self pity effect pa ako. Pakiramdam ko talaga very unfair na at my age meron pa akong ganitong procedures sa buhay.
Imagine mo, rain or shine, kahit holiday, Pasko o birthday mo, ‘pag may dialysis sked ka, walang escape.
At ang nakakalungkot pa tatlo na sa kasabay ko ang namatay na. Kaya nga kung minsan naiisip ko na papunta na rin ako doon, bakit kailangang mag-dialysis pa. Buhay ka nga pero nahihirapan ka.
But like a good follower follow the flow lang.
Wish ko lang, magkaroon ako ng patience na gawin ito three times a week, four hours per session. Kasi nga kalaban mo ang inip, pagkatamad at inis tuwing araw ng dialysis mo. Talagang hanging by the thread ‘yung energy mo para mag-attend ng dialysis session, especially now na ganito ang panahon.
Naku kung alam n’yo lang ang dusa ng magkasakit. Talagang very lucky kayo na healthy at walang problema. Hindi tulad ko, karmatic talaga, hindi bongga.