^

PSN Showbiz

Kilalang aktor sangkot sa investment scam, nagtatago sa ibang bansa!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Tila may misteryong nakabalot sa pagkawala ng kilalang aktor sa isang sikat na drama series.

Maganda ang kanyang role sa seryeng ito, at sinisimulan na ngang palakasin ang tandem nito sa lead actress. Pero biglang pinatay ang kanyang role na ikinagulat namin.

Hindi lang sa seryeng ito, pati sa isang weekly show na kung saan ay bahagi rin siya, hindi na rin namin siya napapanood.

Nasaan itong si kilalang aktor?!

Ang latest na nabalitaan namin, wala raw siya ngayon sa bansa.

Totoo kayang umalis siya ng bansa dahil umiwas ito sa isang malaking kasong posibleng haharapin niya?

Ayon sa ilang napagtanungan namin, na-involve itong si kilalang aktor sa isang malaking negosyo na kung saan marami ang nag-invest.

Kagaya ng ibang kuwento, nagkaproblema raw ito at hinahabol na raw ngayon ng mga investor.

Mabigat ang haharaping kaso kung nagkataon. Pero hindi pa ito nakumpirma sa amin.

Tinatanong ko ang ilang taong malapit dito sa aktor, wala silang sagot sa amin. Ang iba naman ay safe lang, na okay naman daw. Pero hindi sila nagkomento tungkol dito sa nakarating na kuwento sa amin.

Kung totoo man ito, sana maayos na niya at panalangin naming makikita namin itong si aktor at makapanayam isa sa mga araw na ito.

Mabait pa naman ito at masipag. Kaya sana maayos niya itong kinakaharap niyang problema.

Allen, nabigatan sa huling ginawa

Mukhang tuloy na itong pagtatapos ng Abot Kamay Na Pangarap.

Ilang beses nang napabalitang magtatapos na, pero nae-extend nang nae-extend ito at ang dami nang mga karakter na nadagdag sa masalimuot na kuwento nito.

Isa nga sa humaba at bumongga ang role sa naturang afternoon drama ay itong kay Allen Dizon bilang si Dr. Carlos Benitez.

Nitong mga huling episode ay ang tindi ng mga eksena niya na kung saan ay pinigilan ang kasal nina Lyneth Santos (Carmina Villarroel) at Dr. Robert Tanyag (Richard Yap).

“Ang bigat din!” bulalas ni Allen nang nakatsikahan noon sa Cinemalaya na kung saan nagkaroon ng special screening ng pelikula niyang AbeNida.

“Nabaliw ako, na-obsess ako kay Lynette, kinonfront ko ‘yung mag-ina, tapos may anak akong tinago. Ang daming pinagawa sa akin sa Abot Kamay,” dagdag niyang pahayag.

Pero nagpasalamat siya sa GMA 7 na ipinagkatiwala sa kanya itong isa sa mahalagang role sa afternoon drama ni Jillian Ward.

Dahil na rin sa tambalan nila noon ni Carmina Villarroel dito sa Abot Kamay, nabigyan sila ng isang film project na pagsasamahan nilang dalawa.

Bandang October ay nakatakda silang mag-shoot sa Canada na ang pamagat ay Alright in Time na ididirek ni Louie Ignacio.

Excited si Allen dito dahil hindi raw ito kasingbigat ng mga nagawa niyang pelikula.

“’Yung gagawin namin sa Canada, mas commercial, love story. Mas nakaka-excite gawin ‘yung mga ganun. ‘Yung light lang, ‘di ba?” napapangiting pahayag ng premyadong aktor.

Bukod sa mabigat ang role na ginagampanan niya sa Abot Kamay na Pangarap, napaka-dark din ng role niya sa Guardia de Honor ni direk Jay Altarejos at sa AbeNida ni direk Louie Ignacio na parehong nagkarooon ng world premiere sa nakaraang Cinemalaya.

Samantala, ang taas pala ng rating ng Abot Kamay Na Pangarap noong Lunes na kung saan inaabangan kung paano mapigilan ni Dr. Carlos (Allen) ang kasal nina Lynette at Dr. Robert.

vuukle comment

ACTOR

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with