^

PSN Showbiz

Kalokalikes nina Carlos at Chloe, nag-trending!

Pilipino Star Ngayon
Kalokalikes nina Carlos at Chloe, nag-trending!
Kalokalikes

Pasabog at pinag-usapan sa social media ang pagbabalik ng Kalokalike Face 4 sa It’s Showtime na nanguna sa trending list noong Lunes matapos kagiliwan ng netizens ang pakulo ng kalokalikes nina Carlos Yulo, Chloe San Jose, at Ruru Madrid.

Sa unang episode, itinanghal bilang winner si Andres Soriano na ka-face ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa mahusay niyang mala-Carlos Yulo na dance moves. Pati na ang movements sa gymnastics ni Caloy ay kuhang-kuha ni Andres kaya naiuwi niya ang premyong P10,000 at babalik sa weekly finals.

Na-impress nga niya ang hurados na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, Bianca Umali, at Rufa Mae Quinto.  At mainit na tinanggap ng netizens sa pagbabalik ng hit segment dahil sa mga hirit ng hosts at sa pagiging kwela ng contestants ng Kalokalike.

Umani nga ng lampas 300,000 concurrent views ang nasabing episode at nag-trend din sa social media ang hosts at contestants.

GMA SVP Lilybeth G. Rasonable, may partisipasyon sa contentasia Summit 2024

Isa ang GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable sa mga speaker sa ContentAsia Summit 2024 na gaganapin sa Sept. 4 sa Taipei, Taiwan.

Mahalaga ang naging papel niya sa pangunguna ng GMA Network sa Philippine broadcasting industry dahil sa mga phenomenal programs gaya ng Mulawin, Encantadia, Darna, the local adaptation ng Marimar, My Husband’s Lover, Royal Blood at musical variety show na All-Out Sundays, at iba pa.

Sa ilalim ng pamumuno ni Rasonable, na­bigyan ang mga manonood iba’t-bang program line-up gaya ng Descendants of the Sun, ang live-action adaptation ng Japanese anime na Voltes V: Legacy, ang portal fantasy series Maria Clara at Ibarra at ang most recently, dalawa sa biggest drama ng Network this year na Widows’ War at Pulang Araw.

Magbibigay siya ng sneak peek ng upcoming series ng GMA Network sa 2025 na Sang’gre sa talumpati niya sa ContentAsia Summit 2024.

Gaganapin ito sa Sept. 2 to 4 sa Taipei, Taiwan, at magtatapos sa Sept. 5 sa 5th annual ContentAsia Awards, kung saan maraming nominations ang GMA Network.

Kabilang dito ang Secret Slaves: The Jessica Soho Special Report on Human Trafficking (Best Current Affairs Programme Made in Asia for Regional Asia and/or International Markets), (Best Asian Feature Film/Telemovie), All-Out Sundays (Best Variety Programme), at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa pagganap niya bilang Napoy sa Royal Blood (Best Male Lead in a TV Programme).

vuukle comment

SHOWBIZ

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with