^

PSN Showbiz

Matteo, tinawag na epal ng maka-Sarah!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Matteo, tinawag na epal ng maka-Sarah!
Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Gustong maka-collab nang nagpauso sa  Maybe This Time dance trend na si Ralp Xyrel Villaruz si Sarah Geronimo. Nanawagan si Ralp kay Sarah nang mag-guest siya sa Showtime Online U segment ng It’s Showtime.

Hiningi rin ni Ralp ang permission ng husband ni Sarah na si Matteo Guidicelle at laking tuwa nito nang sumagot si Matteo sa X ng “See you soon!” na ibig sabihin, wish granted at payag siya sa dance collab ng wifey niya.

Nauna pang mag-react ang netizens sa sagot ni Matteo. May nag-comment ng “ayun may basbas na”, sinundan ng “Yan na, ginalaw na ang baso,” yayyy abangan po namin,” at “ayan na si sir Matteo, pumayag na.”

May epal namang nag-comment ng “Hoy, di ikaw ang gusto niya, boy! Si misis ang gusto! Haha!,” “Bakit, ikaw ba si Sarah G? Mahiya ka naman. Masyado kang nakikisakay sa kasikatan ng ASAWA MO” na kunwari, ang mom ni Sarah ang sumagot.

Jak, pinakita ang bahay

Very proud na ipinasilip ni Jak Roberto ang under construction niyang bahay na malapit-lapit nang matapos.

At nag-react ang girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza, “I’m so proud of you, mahal ko! Congrats!!!”

Sumagot si Jak ng “@barbaraforteza Thank you mahal ko! I love you so much” at sinagot siya ni Barbie ng “@jakroberto I love you so much.”

Dahil limitado ang nakakapag-comment sa Instagram ni Jak, walang BarDa fans nina Barbie at David Licauco na umaway kina Jak at Barbie.

Lovi, may pauso sa mga nagbabalot ng tira-tira

Nag-hit sa followers  ni Lovi Poe ang nakasulat sa gamit niyang tote bag na “Filipino Party Leftovers” habang nasa harap siya ng St. Larwrence Market sa Toronto, sa Canada raw ito. Marami ang naka-relate sa caption ni Lovi sa kanyang post na “Tag that friend na mahilig mag-Sharon diyan... big LOL!”

Ang music pang ginamit ni Lovi sa kanyang post ay ang Bitung Walang Ningning ni Sharon Cuneta na may lyrics na Balutin mo ako na pinagsimulan sa nagiging joke sa mga party.

As expected, marami ang nag-react at gustong magkaroon din ng tote bag na gamit ni Lovi. Pati si KC Concepcion napa-react at sina Iza Calzado at Ben Alves. Natanong tuloy si Lovi kung saan mabibili ang tote bag na ‘yun.

Kapag nauso rito ang nasabing tote bag, si Lovi ang dahilan.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with