^

PSN Showbiz

Shanaia Gomez, nasa Cloud 9

Pilipino Star Ngayon
Shanaia Gomez, nasa Cloud 9
Shanaia Gomez

Naglabas ng bagong awitin na pinamagatang Cloud 9 ang rising Kapamilya singer-actress na si Shanaia Gomez.

Isinulat niya ang kanta na umiikot sa saya na nararamdaman kapag nahuhulog ang loob sa isang tao. Iprinodyus naman ito ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Noong Hunyo, inilabas ni Shanaia ang kantang Slow Dancing at music video nito kasama ang Pamilya Sagrado star na si JC Galano. Tampok din ang awitin sa Spotify EQUAL Philippines kasama ang single niya na Para Sa’yo.

Nagsimula ang music career ni Shanaia nang sumali siya sa unang season ng Idol Philippines noong 2019. Nakilala rin siya bilang isang sikat na housemates ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10. Nitong 2022, ganap siyang naging recording artist matapos ilunsad ang mga awitin na Para Sa’yo at Awake.

Pinasok niya rin ang mundo ng pag-arte at naging bahagi ng pelikulang  Rewind at iba’t ibang serye tulad ng Click, Like, Share, He’s Into Her, at FPJ’s Batang Quiapo.

Kamakailan ay sumabak din siya sa larangan ng teatro at umani ng papuri para sa performance niya sa comedy musical na The 25th Annual Putnam County Spelling Bee.

vuukle comment

ACTRESS

SHANAIA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with