Robin at Mariel, dumanas ng delubyo sa biyahe

Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Betchay Vidanes , Faith at Wesley  

Dumanas ng kamalasan ang recent trip ng mag-asawang Sen. Robin Padilla and Mariel Rodriguez. Pero wala siyang detalyeng ibinigay kung bakit.

Basta aniya pang-pelikula. Tho obvious na nawala ang bagahe nila dahil hindi siya naka-gown at naka-sneakers lang ng mister na senador nang dumalo sa kasal ng anak ng long time manager ni Sen. Robin na si Betchay Vidanes sa Australia na si Faith.

Caption ni Mariel sa sa post kasama ang bagong kasal : “So happy to have witnessed the union of ate Faith and Wesley  thank you so much for inviting us. Though things didn’t go our way, lahat na yata ng kamalasan na nangyayari sa travel yung pang pelikula talaga, happened to us… but we made it. Sure naka new balance kami sa formal wedding straight from all the airports and delays na pinanggalingan namin… ang mahalaga nakarating kami  umabot!!! Just like in your marriage, as your ninong and ninang kahit ano pa ang delubyo… we will be there for you? what a beautiful kind of love you guys have with God being in the center.”

Show comments