^

PSN Showbiz

Derek, nagpakuha ng dugo para kay Elias!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Derek, nagpakuha ng dugo para kay Elias!
Elias at Derek
STAR/ File

Ang cute namang tingnan ng aktor na si Derek Ramsay na nagpaka-supportive stepdad kay Elias na anak ng misis niyang si Ellen Adarna.

Ibinahagi ni Ellen ang video kung saan umiiyak ang bagets bago ito magpa-blood test habang karga siya ng Papa D niya.

Pinapaliwanagan si Elias ng nurse at ng kanyang Papa D na hindi masakit ang pagpapakuha nito pero iyak ito ng iyak dahil sa takot nito.

Maririnig sa video na nagtatanong ito na “how does it work?”

Malalaman nga raw na curious smart kid si Elias sa pagtatanong nito ayon sa netizens.

To the rescue naman ang Papa D niya at para mapatunayan kay Elias na hindi siya dapat matakot ay siya muna ang nagpa-test.

Komento nga ng aktor sa post ng misis, “All for one, one for all!!!” na kinaaliwan din ng mga tagahanga dahil nadamay nga ito sa pagpapakuha ng dugo ni Elias. Pati nga si Ellen ay naaliw sa pagkakadamay ng mister at sinabing “Blood tests be like … im taking you down with me.”

Komento nga ng tagahanga nila ay tama rin daw ang ginawa nito sa bata na turuan itong harapin ang takot niya.

Sinaluduhan si Derek sa ginawa at tinawag na best dad. Sana raw lahat ng stepdad ay gaya niya. Ito raw ang pruweba na mahal na mahal niya ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Na-touch nga ang netizens sa kanila dahil lutang ang pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa.

Pero hindi pa rin nawala ang pakialamerang netizen na sinabing dapat daw ay distracted ang bata bago tusukin para mas mapabilis at mapadali, at less anxiety pa raw rito.

At sinabihan ang mga nurse na magsuot ng gloves ‘pag ginagawa ito sa lahat ng pasyente.

Hindi naman ito pinalagpas ng aktor at sinabing o ‘di kaya raw ay turuan ang bata na maging matapang. Ang pag-distract daw rito ay makakasira ng tiwala nito at mas mahihirapan pa sila sa susunod.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with