Lumabas na ang CCTV footages na kuha kay Sandro Muhlach nang pumunta siya sa hotel room nina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ngayon naman ay kumalat sa social media ang medico legal report na ginamit na ebidensya ng kampo ni Sandro Muhlach kaugnay sa kasong Rape by Sexual Assault na isinampa laban sa dalawang GMA independent contractors.
Kinumpirma ito ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Ayon kay Atty. Garduque, itong umikot na medico legal report online ay ang medico-legal report ni Sandro na isa sa mga ebidensya nito na nakalakip sa complaint-affidavit na inihain sa DOJ laban sa kanyang mga kliyente.
Dagdag na pahayag ni Atty. Garduque, “The medico legal report shows no injury in the anus and wala rin namang allegation that a penis, object or instrument was inserted to Sandro’s mouth.”
Bukod pa riyan, nagbigay rin ng opinyon si Atty. Garduque tungkol sa pag-file ni Sandro ng reklamong Cyber Libel sa ilang online sites at Facebook account na nam-bully raw sa kanya.
Ang reaction naman ni Atty. Garduque, ang dalawang kliyente pa raw niya ang nakakaranas ng matinding pambu-bully. “’Yan ka?? talaga ang risk when you publicize your story/allegations and evidence, naturally these will be subjected to public scrutiny. Hindi natin masisisi ang mga netizens to process and verify if your evidence supports your allegations. At siyempre may mga hindi aayon sa ‘yo.
“Kaya from the start we are firm that we will just give our version of the story and will just present our evidence in the proper forum.”
Sa Sept. 12 ay nakatakda nang mag-submit ng counter affidavit ang kampo nina Nones at Dode sa DOJ.
Doon na raw nila sasagutin at ipiprisinta ang mga kontra-ebidensya sa reklamong panghahalay na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawa.
Sinubukan naming hingan ng sagot dito ang legal counsel ni Sandro, pero as we write, hindi pa namin sila na-contact.
Ruru, gustong pabalikin sa runners
“Giyera na!” ang ikinakalat na hashtag ng GMA 7, dahil sa mga tagpo sa mga primetime series na ipinapalabas pagkatapos ng 24 Oras.
Magsisimula na kasi ngayong Lunes ang giyera sa Pulang Araw at matindi na rin ang conflict sa Widows’ War, at ganun na rin sa Asawa Ng Asawa Ko.
Sana nga lalo pang tumaas ang ratings ng mga naturang programa dahil naiiba na talaga ang viewing habit ng televiewers.
Marami na rin kasing viewers sa streaming, kagaya ng Netflix na kung saan ay doon din sinusubaybayan ang Pulang Araw.
Kaya nakiusap silang sana patuloy pa rin manood sa telebisyon. Kaya iilan na lang sa mga programa ngayon ang talagang consistent na tinututukan ng televiewers.
Isa na rito ang Running Man Ph na napapanood tuwing Sabado at Linggo ng gabi.
Consistent na double digit ang ratings nito, kaya ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong kung magkakaroon na ba ito ng season 3. Malamang sa alamang! Dahil maganda ang performance sa ratings at nagustuhan ng mga manonood.
Hiling lang ng karamihan ay bumalik na sana si Ruru Madrid para makumpleto na ang walong runners.
Sa totoo lang, ito rin ang wish ng runners na sana magkaroon na agad ng season 3 ngayong taon pero wala pa itong kumpirmasyon mula sa GMA Network.