^

PSN Showbiz

Chloe, gagawing mainstay sa ASAP?!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Chloe, gagawing mainstay sa ASAP?!
Chloe at ASAP hosts
STAR/ File

Haya’n na nasa ASAP na si Chloe San Jose as Woman Of The Hour.

Magiging mainstay na ba siya sa noontime show ng Kapamilya network?

Mag-artista na ba si Golden Girlfriend? From content creator, heto siya’y may Havana song and dance spot sa ASAP (na wala na ang Natin ‘To na tagline)!

And looking forward siya sa collab daw nila ni Maymay!

Parang na-achieve na ni Chloe ang instant fame. Sana magkaayos na siya at ang pamilya ni Caloy!

Mark, nambitin sa concert

Nabitin ang mga tao sa ginawang striptease act ni Mark Bautista sa kanyang Mark Your Dreams concert. Bakit? Dahil sa Let It Go number niya, nagka-wardrobe  malfunction at hindi niya natanggal ang dapat tanggaling pants!!!

Ang tanong ng mga tao, nasaan ang pa-santol ni Mark?

Sunflower ni Janine, natabunan si Kyline!

Nakakakilig din ang pagpapares kina Jericho Rosales at Janine Gutierrez na bumati kay Echo sa birthday celebration nito sa ASAP kahapon.

Pero ang ginagamit niya ng term of endearment kay Janine ay “Sunflower” kasi nakakita na ng liwanag daw.

Ang tanong – paano ‘yun, natabunan na ang Sunflower ni Kyline Alcantara? Bakit parang nag-level up noong sina Echo at Janine na ang involved?

Pa, sobrang seryoso

Matapos ang sunud-sunod na pagkatalo sa ratings game ng Pulang Araw laban sa FPJ’s Batang Quiapo, nakiusap ang writer nitong si Suzette Doctolero sa mga Kapuso na panoorin din ang kanilang programa sa telebisyon o kahit buksan lang ng mga ito ang kanilang appliance.

Ang sabi niya, “Oy, lambing lang sa mga nagustuhan ang #PulangAraw. Ayos lang na manood kayo sa  #PulangArawOnNetflix. Pero nood din sa tv ha, kahit buksan ninyo lang,” sa tweet nito.

Bakit nga ba sumasadsad ang rating ng Pulang Araw? Dahil ba sobrang seryoso at napunta na sa gyera?

Ano na ang remedyo na gagawin ng Kapuso?

Nakakataquote:

“Katulad ng CCTV footages na nauna ng nailabas na ebidensya ni Sandro na makikitang tuwid na tuwid itong maglakad at walang bahid ng nadroga or narape, this medico legal report likewise does not support the rape case he filed against our clients. He filed a case for rape by sexual assault under paragraph 2 of the new rape law which is committed by any person who inserts his penis to the mouth or anal orifice of another or inserts any instrument or object inside the genitals or oral orifice of another. However, The medico legal report shows no injury in the anus and wala rin namang allegation that a penis, object or instrument was inserted to Sandro’s  mouth.”  – Atty. Maggie Abraham- Garduque, legal counsel of the 2 indepen­dent contractors of GMA 7

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with