^

PSN Showbiz

Kuwento ni Mamay, malaki ang impact ng ukay-ukay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kuwento ni Mamay, malaki ang impact ng ukay-ukay
Jeric Raval, Ara Mina, at Mayor Marcos Mamay

Touching pala ang kuwento ng Mamay: A Journey to Greatness, ang biopic ni Nunungan Lanao Del Norte Mayor Marcos Mamay.

Marami nga ang naantig nang magkaroon ng premiere night ang pelikula noong Agosto 27, Martes, sa SM Megamall Cinema 1.

Resilience ang determination ang mensahe ng pelikula under the direction of Neal “Buboy” Tan.

Isinasalaysay ng pelikula ang mahirap na pagsisimula ng local chief executive sa kanyang pagbangon bilang isang public servant.

Pinagbibidahan ito ni Jeric Raval with Ara Mina bilang misis ng pulitiko na nakabangon sa pagbebenta ng ukay-ukay.

Ayon kay Mayor Mamay, ang kanyang biopic ay hindi lang isang pagpapakita ng buhay niya kundi gusto niyang maging inspirasyon at naglalayong hikayatin ang mga manonood na lampasan ang mga hadlang sa kanilang daan papunta sa tagumpay.

Binigyang-diin niya rin na habang ang kuwento ay nakabatay sa realidad ng kahirapan, ang pinakamahalagang mensahe nga ay ang bawat mga hamon ay hindi dapat hadlangan upang makamit ang pinapangarap ng isang tao.

Kaya idinidiin niya na hindi ito isang political film.

Aniya, ibinase ang script nito sa pananaw ng isang tao na matinding hirap ang dinanas sa buhay.

Aniya, huwag gawing dahilan ang pagiging mahirap para hindi makatapos ng pag-aaral at ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang.

Isang touching na eksena rito ay nang manganak ang misis niya na ginampanan ni Ara, sa isang dating kulungan ng baboy sila tumira dahil doon mura ang renta.

Wala silang nagawang mag-asawa noon kundi magtiis.

Mapapanood sa kabuuan ng pelikula ang iba’t ibang yugto ng buhay ni Mamay, kabilang ang kanyang mga pakikibaka bilang isang masipag na estudyante, ang kanyang hindi natupad na pangarap na makapasok sa Philippine Military Academy (PMA), at ang kanyang paglalakbay patungo sa public service.

“A Journey to Greatness is a testament to Mamay’s unwavering determination and reflects his deep commitment to his constituents, mirroring his real-life efforts to uplift his community,” ayon kay Direk Tan.

Nagpasalamat naman si Jeric Raval na ito ang kanyang naging full length comeback film.

“It was an honor to play such a resilient character. Mayor Mamay’s life is a testament to what one can achieve through hard work and perseverance.”

Kung magkakaroon ng chance, handa silang ipasok ito sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) upang mas marami pang makapanood.

“The MMFF is highly anticipated and could share my life story to a wider audience. Regardless of the outcome, I hope the film will inspire viewers to chase their dreams and contribute to their communities,” aniya sa mga nag-interview after the premiere night.

Mahigit isang taon bago natapos ang pelikulang Mamay: A Journey to Greatness.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

ARA MINA

JERIC RAVAL

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with