^

PSN Showbiz

Julia, hindi takot sa mga baboy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Talagang dapat ayusin ‘yung mga balita tungkol sa karneng baboy. Hindi naman lahat ay may ASF o African Swine Fever, ‘yung kumakalat na sakit ng baboy.

Lalo na nga ngayon na almost lahat ng baboy nabakunahan na. Actually nga ang mga lechon ng Gatchalian talagang malinis na malinis at tiyak na safe dahil talagang mula pa sa pag-aalaga ng mga baboy hanggang mapunta ito sa pagiging lechon.

Personal business ito ng mother ni Sen. Win Gatchalian kaya naman sigurado ka sa quality na de kalidad.

Nakita ko rin ang lumabas na paborito ang lechon ni Julia Montes.

Bongga,tangkilikin natin ang mga alagang baboy ng mga kababayan natin. ‘Wag imported na produkto.

KathDen, nagka-sepanx

Nakabalik na pala sa Pilipinas ang sina Alden Richards at Kathryn Bernardo pagkatapos ng isang buwang shooting nila sa Canada ng pelikula nilang Hello, Love, Again.

Ang chika, mas naging solid at mas malapit na nga raw sila ng mga katrabaho lalo na ng ex ni Daniel Padilla. Mas nakilala na raw nila ang isa’t isa.

Maaalala ngang pinagkaguluhan at dinayo raw sila ng mga tagahanga nila sa Canada. Nahirapan at na-stress din daw ang director ng sequel ng Hello, Love, Goodbye na si direk Cathy Garcia-Sampana na pakiusapan ang fans na nakita sa kumalat na video. Nagagalit na raw kasi ang mga naiistorbong residente sa lugar kung saan sila nagshu-shooting at lumalagpas na raw ang mga ito sa lugar kung saan lang sila pinapayagan dahil sa kasabikang makita ang KathDen.

Mukha namang nagka-sepanx nga ang KathDen dahil makikita ang mahigpit nilang yakap bago maghiwalay pauwi sa kanya-kanyang bahay. Bongga.

vuukle comment

ASF

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with