May pinost si Julia Montes na larawan niya habang may kausap at nasa loob ng ginagawang bahay. Sa caption niyang “Site visit with @myzebangayan... this is it!” at sa comment ng kanyang fans, malalaman mo kung ano ang site na binisita ni Julia.
May nagtanong kung ipapa-renovate nina Julia at Coco Martin ang kanilang bahay?” may sumagot na bagong bahay ang kanilang ipinapagawa. Katabi lang daw sa first mansion nila.
May pinuri naman ang pagiging hands on ni Julia sa ipinapagawang bahay nila ni Coco. May excited nang makita ang bagong bahay nila at may nagre-request naman ng housewarming na gayung sinisimulan pa lang ang construction.
May nagsabi namang restaurant ang ipinapagawa ni Julia dahil masarap itong magluto and as a matter of fact, nag-post ang aktres na nagluto siya ng lechon sa oven. Kaya, abangan na lang natin kung bagong bahay ba o resto.
Isa sa mga nag-like ng post ni Julia si Alden Richards na mula nang makatrabaho niya sa pelikulang Five Breakups and A Romance ay naging close ang dalawa.
Goma, may bwelta sa bashers
Hindi naman pala deleted ang post ni Leyte 4th district Representative Richard Gomez tungkol sa naranasang trapik. Pati ang suggestion niyang ipagamit sa mga motorist ang EDSA Bus Carousel na naging dahilan para siya ay ma-bash nang katakut-takot.
Sabi ni Goma, “Paki check nga kung deleted yung post ko? Pakisabi sa mga ungas na writer tingin tingin din kapag may time.”
Sagot ng netizen, “Deleted or hindi, it doesn’t change the fact how privileged you are. Lack of compassion para sa mga daily commuters.”
Tanong naman ng isa pang netizen, “Sir, sino po ba ang ungas? Yung writers or yung public servant na gustong tanggalin ang public bus lane para lang lumuwag yung kalsada (which will not solve the traffic problem)?”
X users, kinasuhan ni Sandro
Nagkakatakutan na sa X (formerly Twitter) dahil hinahanap na ang three anonymous X accounts na kinasuhan na ni Sandro Muhlach at sinampahan ng cyber libel. Sa X daw kasi nagsimula ang blind item sa nangyari kay Sandro, kaya hinahanap na sila ng NBI.
Tatlo pa lang ang nabanggit na sasampahan ng kaso at posibleng madagdagan dahil pati raw mga Facebook account ay kasama sa inireklamo. Baka pati raw reklamo ay madagdagan pa. Sobrang apektado si Sandro sa nangyari sa kanya, kaya nanawagan na ang lolo nitong si Alex Muhlach ng compassion para sa apo.
Nakausap ni John Consulta ng GMA Network si Sandro at nagpapasalamat ito sa lahat ng mga nagpapahatid ng suporta at tulong.