Totoo kayang iiwan na ni Karla Estrada ang Face to Face?
Decided na raw ang actress/TV host na pasukin muli ang pulitika kaya kailangan na niyang i-give up ang programa niya, at tamang-tama naman tapos na rin daw ang kontrata niya sa naturang programa ng TV5.
Kung hindi ako nagkamali, tatakbo si Karla bilang Mayor sa isang bayan sa Leyte.
Ang tanong ngayon ng lahat, sino ang papalit sa kanya?
Marami raw ang pinagpilian at isa nga roon ay dating nakapag-host ng naturang programa.
Pero ang napili raw ay ang kilalang broadcaster.
Tinanggap daw nitong broadcaster ang offer ng TV5.
Sa tingin namin, mas bagay kay broadcaster ang programang ito na itago natin sa pangalang Korina Sanchez.
Magaling siyang pumagitna sa mga nagbabangayan at nag-aaway-away.
Abangan na lang natin ang official announcement ng TV5.
Paolo at Patrick, ayaw nang pag-usapan ang mga anak!
Nakatakda nang lumipad pa-Cebu ang buong team ng Mavx Productions para sa shooting ng pelikulang ConMom. Kung aabot ito sa deadline, balak nilang i-submit sa finished films ng Metro Manila Film Festival.
Follow-up ito sa samahan ng magkakaibigang taga-Tabing-Ilog na sina Paolo Contis, Patrick Garcia at Kaye Abad. Kasali rin dito sina Kit Thompson at Empoy Marquez.
Kuwento ito ng isang ina na gagampanan ni Kaye na kung saan ipinagkait ng hiniwalayang asawa na si Kit, ang kanilang anak. Mayaman at powerful ang asawa rito ni Kaye. Kaya para mapalapit lang sa kanyang anak, nagpapanggap sila ng kung anu-anong karakter, kasama ang mga best friend niya rito na sina Paolo, Patrick at Empoy.
Kakaiba ang kuwento sabi ni Kaye, dahil madalas daw ang nanay ang nagbabawal na ilapit ang kanyang anak sa tatay. Kaya nag-follow up question kami kina Paolo at Patrick kung naranasan nila ito sa dati nilang nakarelasyon.
Nagkaroon sila ng isyu sa kanilang anak sa dating karelasyon.
Napatigil si Paolo sandali at matamang nag-isip kung ano ang dapat niyang isasagot. Pagdating kasi sa isyu sa kanyang mga anak ay talagang iniiwasan na niya itong pag-usapan.
Ano ang natutunan nila sa kuwento nitong pelikulang gagawin nila? “Natutunan ko na mas magandang hindi ko sinasagot ‘yung mga ganyang tanong. Hindi! Totoo ‘to!” bulalas ni Paolo.
Mag-follow up question pa sana kami.
Pero ipinaliwanag na rin niya kung bakit niya ito nasabi. Aniya, “Mas magandang hindi pinag-uusapan ‘yan, kasi mas okay ayusin ang mga bagay-bagay quietly.
“Sometimes people will just pressure you to answer, especially ngayon ‘di ba? Sa social media parang feeling nila lahat reporter sila, kailangan masagot mo sila.
“Pero sa totoo lang, simula nung nananahimik ako, mas maganda ‘yung nagagawa ko for my… for all the issues that I have to fix. Mas naaayos ko siya nang hindi nagsasalita.
“At ngayong nagsasalita ako, malamang magkagulo na naman! Wala naman akong sinasabi e,” dagdag niyang pahayag.
Umayon naman si Patrick sa mga sinabi ni Paolo.
Aniya, “Like what Paolo said, it’s a personal thing and sometimes when it’s personal, komplikado kasi siya e. If you… kinukuwento mo out in the open, imbes na maso-solve siya, mas nagiging komplikado pa siya. So, yeah! I’d rather fix whatever issues we have personally privately.
“‘Yung mga nakikisawsaw okay lang ‘yun, it’s part of the business. Okay lang sige.”
Sinulat ni Onay Sales ang script at si Noah Tonga ang magdidirek.