^

PSN Showbiz

Gerald, walang plano sa pulitika

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gerald, walang plano sa pulitika
Gerald Anderson
STAR/File

Likas na kay Gerald Anderson ang pagiging matulungin sa kapwa. Mayroong ilang nagtatanong sa aktor kung posibleng pasukin din ang mundo ng pulitika. “Nakakatulong naman tayo and I’m so blessed. 19 years na rin ako sa industriya. Grabe ang tulong ng media sa akin, for my shows, my projects. Okay na ako sa ganito because I still have the opportunity para makatulong sa iba. Also, isa lang ang motivation ko is to work harder to maintain or to keep my celebrity status. Kasi ang laking tulong niya talaga and as much as possible ginagamit ko nang tama,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Talaga namang pinag-usapan noong isang buwan ang ginawang pagtulong ng binata sa mga nasalanta ng bagyong ‘Carina’ sa Quezon City. Hindi ito ang unang pagkakataong lumangoy si Gerald sa baha upang makapag-rescue sa mga kababayan. Bilang isang Philippine Army reservist ay nagsisilbing inspirasyon din ang aktor sa mga tagahanga. “Aaminin ko may mga kaibigan din akong pulitiko. May mga nakakausap din ako sa iba’t ibang projects na ginagawa ko. ‘Yung power talaga is there. Kung gusto mo talagang tumulong, nandoon ‘yung power, nandoon ‘yung opportunities. Ang swerte ko lang dahil sa pagiging celebrity ko ay nandoon din ‘yung power. Nandoon ‘yung influence at ginagamit ko lang sa tama. Kung hindi ako artista sa tingin mo magte-trending ‘yung ginawa ko, hindi ‘di ba? Nagkataon artista ako, na-picture-an, na-video-han, but that also inspires so many other people. Gano’n lang ‘yung tinitingnan ko na influence ko,” pagbabahagi ng aktor.

Jayda, nag-iba ang pananaw sa pag-ibig

Nailunsad na ang Sad Girls Hours album ni Jayda Avanzado. Ayon sa singer-actress ay talagang proud siya sa mga kantang isinulat para sa naturang album. “Probably my proudest moment yet as an artist. I always write about heartbreak and love and I always like to challenge myself in terms of the themes that I like to write about. I always think about what is it that I want to say with each and every of my songs because I’d like to consider my songs to be purposeful in every way,” pahayag ni Jayda.

Marami umanong mga natutunan ang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado mula sa mga bagong kanta. “We wanted you guys to get to know my core as a person. Bakit ba ako tinatawag na sad girl? It all stems from the universal theme of wanting to be loved. We all seek validation. It’s just about waiting for that right moment, right experience. Talagang nag-iba ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig, pagdating sa buhay, sa friendship. Pain teaches you so many things. Ang dami ko ring natutunan sa sarili ko at sa mga pagkakamali ko,” makahulugang pagbabahagi ng dalaga.

Samantala, nangangarap si Jayda na makatrabaho ang ilan pang sikat na singers sa bansa. Aminado ang dalaga na malaki ang paghanga kina Yeng Constantino, The Juans at maging si Pablo ng SB19. “Si Ate Yeng, I really love her. She did teach me a few things about songwriting as well that I still use. I wanna work with The Juans. Mapanakit din ang mga kanta nila. I admire them. Si Pablo of SB19. I met him way back in 2021. I spoke with him actually about working together during my dad’s concert. Hopefully that ends up well. I love telling other artists how much I love them,” kwento ng singer-actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with