Nagsasanib-pwersa tuwing hapon sina Niña Corpuz at Migs Bustos upang magbahagi ng mga makabuluhan at nakaaantig na kwento sa Nagseserbisyo Niña Corpuz at Migs Bustos, isang komprehensibong programa tungkol sa serbisyo publiko na tumutugon sa mga isyu sa kalusugan, edukasyon, negosyo, at iba pa.
Umeere sila tuwing Lunes hanggang Biyernes 4:30 p.m. sa Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo sa TV upang mas mapalapit ang mga serbisyo ng iba’t ibang grupo sa mga Pilipino. “Gusto naming ilapit ‘yung mga serbisyo ng pamahalaan, ng grupo, ng isang organisasyon - whether private or government - sa mga tao. Nandiyan naman ‘yung mga serbisyo na ‘yan, minsan kailangan lang ng impormasyon para mailapit sa kanila ‘yung mga serbisyo na kailangan nila,” sabi ni Niña.
Tampok din ng programa ang mga kuwentong napapanahon tulad nalang ng mga gabay kung paano mag-aplay ng government loans na hindi alam ng lahat.
Dahil layunin din nila na maghatid ng good vibes, meron itong iba’t ibang mga segment tulad ng KOTD (Kaserbisyo ng Araw), Doktor Serbisyo, Grow Negosyo, Pet-malu, at Sino po Sila, na nagtatampok ng mga modern-day heroes na gumagawa ng makabuluhang mga bagay para sa lipunan.
Ayon naman kay Migs, nagiging makabuluhan ang kanyang trabaho pag may na-iinspire silang mga tagasubaybay. Dagdag pa niya na nagsisilbing plataporma upang makilala ng publiko ang mga indibidwal na may kahanga-hangang mga kwento. “Tayo lang ‘yung tagapaghatid ng balita at para maging bida ‘yung iba. So fulfilled kami in our own way kapag may na-inspire sa kwentong ‘to or meron kaming natulungan because of this interview,” kwento ni Migs na proud daddy sa kanilang first baby ng misis na si Mischi.
Mapapanood ang Nagseserbisyo Niña Corpuz at Migs Bustos tuwing weekdays, 4:30 pm, sa Radyo 630 (available sa Metro at Mega Manila) at Teleradyo Serbisyo (available nationwide sa digital boxes, Sky Cable at 183 cable providers nationwide). Available din ang livestream sa pamamagitan ng iWantTFC at Teleradyo Serbisyo YouTube Channel.