^

PSN Showbiz

Janine, rarampa sa Venice Film Festival

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine, rarampa sa Venice Film Festival
Janine Gutierrez
STAR/File

Kasalukuyang nasa Italy ngayon si Janine Gutierrez para sa screening ng Phantosmia na pinagbibidahan ng aktres. Sa September 2 nakatakdang ipalabas sa Venice International Film Festival ang naturang pelikula. Masayang-masaya si Janine dahil natutupad na ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “I’m so excited kasi dream ko talaga na makapunta sa international film festival with Filipino films. So sobrang happy ako. Sobra din ang pasasalamat ko sa ‘Lavender Fields’ kasi pinayagan nila ako to leave for a week and to be able to attend,” nakangiting pahayag ni Janine sa ABS-CBN News.

Halos hindi makapaniwala ang dalaga noong nakarating sa kanya ang magandang balita. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Janine nang makumpirma ang tungkol sa prestihiyosong international film festival. “Actually, may video ako no’ng nalaman ko na Venice ‘yung pupuntahan, tapos sobrang sumisigaw ako saka umiiyak. Pero kasi they didn’t tell me agad. Parang sinabi lang na may festival ‘yung film namin na ‘Phantosmia’ with Direk Lav (Diaz), binigay lang ‘yung dates pero di pa daw ma-confirm. Pero siyempre ginoogle ko, tapos lumabas Venice. So sabi ko, oh my God, kung Venice ‘to, grabe! Sobrang happy ako and then ‘yon nga, when they confirmed excited ako,” kwento ng aktres.

Si Ronnie Lazaro ang nakatrabaho ni Janine sa naturang pelikula. Ayon sa aktres ay talagang maipagmamalaki niya ang kwento ng ‘Phantosmia.’ “Super idol ko din si Tito Ronnie. I’ve never worked with him. Phantosmia is a condition brought about by PTSD (post-traumatic stress disorder) na may naamoy ka na wala naman talaga doon. So dahil may trauma sa buhay, mayroong nangyayari sa mga tao na may naamoy sila na kakaiba na wala naman talaga pinanggagalingan. ‘Yon ‘yung condition ni Tito Ronnie. Isa ako sa mga character na makikilala niya. I play Reyna,” pagdedetalye ng dalaga.

Albie, palaging sinisilip kung gumagalaw ang baby

Mula nang maging isang ganap na ama ay malaki na ang ipinagbago sa buhay ni Albie Casiño. Hinahanap-hanap umano ng aktor ang anak na si Roman Andrew kapag siya ay nasa trabaho. “At first takot, di ba? Naging excited rin, it just turned na ito na, ito na ‘yung kailangan kong gawin. This is my life now, pero it’s the best feelings. Kapag nasa work ako, hindi na ako nagigising in the middle of the night to change diapers. Pero siyempre nami-miss ko siya. Facetime kami kapag nasa work, so naiisip ko siya,” pagbabahagi ni Albie.

Bilang isang magulang ay sinusulit ng aktor ang bawat sandali na kasama ang kanyang mag-ina. Magkatuwang si Albie at kasintahang si Michelina sa pag-aaruga sa bata. “When I’m home super hands on. Baby pa siya eh, so hawak ko lang siya pero he’s developing a personality. Nakikilala na niya kung sino kami and these kind of stuffs. Kapag pumupunta ang mom ko, alam niya na nando’n ‘yung lola niya. You can see eh, kasi no’ng start na nando’n siya sa States tinitingnan ko lang siya eh. Kung natutulog titingnan mo kung humihinga. Minsan kapag pagod na pagod ka, ‘Please matulog ka na.’ Tapos kapag nakatulog na, ‘Yes, pwede na ako mag-gym.’ Tapos kapag nasa gym mode naman na ako, every now and then sinisilip ko kung gumagalaw. Tapos balik gym ka ulit, nakakatuwa,” natatawang kwento ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with