Ahron inisnab sa Senado!
Tapos na ba ang mga Senate hearing sa sexual harassment cases? Hindi na talaga inimbita si Ahron Villena sa Senate hearing? Sayang naman! Hindi ba counted yung hinipuan lang? Teka, nag-iingay lang ba sa social media si Ahron at wala namang planong magsampa ng pormal na reklamo para magawan ng kaukulang aksyon? O nakisakay lang siya talaga sa isyu?
Pusit, usung-uso
Usong-uso ngayon ang taong pusit! Yung tipong kapag nasasaling, imbes na malinaw na mag eksplika ay bubuga ng maitim na tinta at uunahan ng galit at init ng ulo. Sinu-sino ang ganyan sa lipunan natin? Pati sa showbiz marami niyan! Pati sa gobyerno, Senado at Kongreso marami rin. Buti pa si Tiya Pusit, nakakaaliw; yung ibang pusit, walang sense, nakakainis! Sabi tuloy ni Bibeth Orteza, “Tiya Pusit was lovable. Anti Pusit is not.”
ShIela at Alice, pwede sa pelikula
Confirmed pala na yung Shiela Guo na kinuwestyon sa Senado ay hindi pala tunay na kapatid ni Alice Guo. Ang sinasabing tatay ni Alice Guo na si Guo JianZhong ay hindi niya totoong tatay. ANG GUOLO!
Kaya kung gagawing pelikula ang buhay ni Alice Guo, papayag kaya si Kim Chiu? O mas interesante pa kaya na gawing pelikula ang buhay ni Alice Eduardo?
Concert scene, siksikan
Parang nagsisiksikan ang local concert scene sa darating na mga buwan. September ang mjaor concert ni Martin Nievera sa Araneta Coliseum sa Sept 27. Medyo ok ok na pa ang October.
Pero pagdating ng November, siksikan na: 1st weekend si Lea Salonga. Susunod naman ang Southborder at Ella May Saison. Tapos may Maki sa New Frontier Theater na sold out na raw. Hahabol pa ba sina Pops Fernandez at Zsa Zsa Padilla? May major Pinoy Playlist Music Festival na free concerts sa BGC Arts Center ng mid -November.
Tapos nag-announce na din si Raymond Lauchengco sa Solaire. Plus may major major concert si Juan Karlos sa MOA Arena!
Sino kaya ang magsosold out, at sino ang ok lang? Wala naman sanang maluluge, ‘di ba? Harinawa!
Going Home ni Jose Mari, nag-resign ang director
Totoo bang nag-resign ang original direktor ng Going Home This Christmas na Jose Mari Chan musical na si Leo Rialp? Bakit kaya? Totoo bang hindi pa sila nagkakasundo sa materyal eh malapit na ang playdate nila? Totoo bang naghanap na ng kapalit ang Repertory Philippines at ang napisil na magdidirect na ay si Menchu Lauchengco?
Nakakataquote:
Stell, wa paki sa bading isyu
“May issue ba tayo kung example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa ‘kin? Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi. So, I don’t think mayroon kang kinalamang sa ‘kin.” paliwanag pa niya. -- Stell ng SB19 sa isyu ng kanyang sekswalidad
- Latest