^

PSN Showbiz

Composer ng mga sikat na kanta, pinangalanan ni Gerald Santos na nanghalay

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Composer ng mga sikat na kanta, pinangalanan ni Gerald Santos na nanghalay
Gerald Santos

May legal counsel na si Gerald Santos courtesy of Senator Jinggoy Estrada. Pero uubra ba ang batas ng sexual harassment or rape sa kaso niya na halos 19 years after na?

May penetration ba? Hindi ito nasagot.

At pagkatapos ay nabunyag na ang pangalan ng musical director na humalay sa kanya. Si Danny Tan?

Si Danny Tan ba ‘yung musical director ng shows ng GMA dati na kaibigan daw ni Wilma Galvante at Darling de Jesus? Si Danny Tan ba ‘yung composer ng Iisa Pa Lamang ni Joey Albert at Kung Mayroong Pangarap na kanta para kay Kuya Germs (German Moreno)? Si Danny Tan ba ‘yung may pet shop sa SM North EDSA? Nasaan na kaya si Danny Tan?

Oryang nila Lovi, ‘di na natuloy

Nagkita si Direk Jeffrey Jeturian at si Gina Pareño na itinuturing na reunion with ng artista at may gawa ng Kubrador na ngayo’y gumagawa ng docu-feature, Lakambini kung saan si Gina ang gumaganap na Gregoria de Jesus.

Ano na kaya ang nangyari sa Oryang dati rin na ginawa nina Lovi Poe at Rocco Nacino? Nawala na lang ba ‘yun?

Eheads, bibida sa UAAP

Tuwang-tuwa ang mga tao sa balitang magsasama ang mga Eheads members sa opening ng UAAP na sponsored ng UP!

Paano naman kaya uungusan o papantayan man lamang ito ng NCAA? Abangan natin ang pakulo ng GMA 7.

Nakakata-quote:

“’Yung mga bahay at lupa na natanggap ko, binigay ko lahat sa mga kapatid ko. Para talaga sa kanila ‘yon. Para sa kanila muna bago ako.

“Ang gusto ko lang, simpleng buhay sa probinsiya. ‘Yun lang ang pangarap ko para sakin at sa pamilya ko. Ayokong malayo kami sa isa’t isa.” – Nesthy Petecio, boxing medalist: silver (Tokyo). bronze (Paris)

vuukle comment

GERALD SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with