^

PSN Showbiz

Jeric at Rabiya nag-unfollow na, malabo na ang balikan

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jeric at Rabiya nag-unfollow na, malabo na ang balikan
Rabiya Mateo

Kasunod ng balitang hindi na pina-follow nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales ang isa’t isa sa Instagram ay ang balitang deleted na ang photos nila sa kani-kanilang IG. Pero, fake news ang tsikang ito dahil as of yesterday, may photos pa ni Rabiya sa IG ni Jeric and vice versa.

May fans na sumugod sa IG ni Rabiya at tinanong ito kung break na ba sila, hindi nga lang nito sinagot ang tanong ng fans. Ang hinanap
naman kay Jeric ay new pictures nila ni Rabiya, matagal na raw hindi siya nagpo-post at wala ring sagot ang aktor na napapanood ngayon sa Wi­dows’ War ng GMA 7.

May naniniwala namang may tampuhan lang sila at magkakabati rin eh napagdaanan na nila ang isa sa controversial issue sa kanilang relasyon.

Priscilla at John, ‘di talaga nagsasama?!

Nakabalik na sa bansa sina Priscilla Meirelles at ang anak nila ni John Estrada mula sa pagbabakasyon sa Brazil. Ang napansin ng netizens, wala pang post ang isa’t isa na magkasama sila.

May photos si John kasama ang mga anak (pati mga anak kay Janice de Belen), pero wala siyang pino-post na photo with his wife. Si Priscilla naman, ang daming bagong post, wala nga lang silang lara­wan ni John.

May post siya na nasa bahay siya, pero walang anino ni John at hindi raw nito binabanggit ang asawa.

Very observant ang netizens pero ‘yun nga pulos hula lang naman sila at walang alam sa totoong ganap sa mag-asawa.

Alden, ‘di nakapahinga

Nag-taping pala agad si Alden Richards pag­kabalik mula sa one month shooting ng Hello, Love, Again nila ni Kathryn Bernardo. Hindi uso sa aktor ang jet lag dahil pagkatapos ng photos sa airport kasama ang paalaman nila ni Kathryn na may kasamang yakap, ang sunod na mga larawan nito ay sa set na ng Pulang Araw.

Mga importanteng eksena ang sunud-sunod na kinukunan sa PA dahil nga sa story, may gyera na. Isa sa inaabangang big scene rito ay ang death march at may mga nagtatanong na nga kung saan kukunan ni director Dominic Zapata ang eksena.

Pero ang wish ng fans ngayon ay patuloy na abangan ang PA dahil nasa number 4 na lang ito sa Netflix. Nawala na sa No. 1 trending.

Sana nga ay ‘wag itong lumaylay.

Samantala, sa Nov. 13, 2024 pa ang showing ng HLA, pero ngayon pa lang, may mga schedule na ng block screenings ang fans ni Alden at fans ni Kathryn. Nakakatuwa lang na susuportahan daw ng fans ni Julia Montes ang movie.

Matatandaang naging close sina Julia at Alden nang magtambal sa Five Breakups and A Romance at kung tama ang balita, magkumare at magkumpare pa sila sa anak diumano ni Julia at Coco Martin. Kaya. “pare” at “mare” ang kanilang tawagan.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with