^

PSN Showbiz

Zachary, may sinulat para sa mga red flag

Pilipino Star Ngayon
Zachary, may sinulat para sa mga red flag
Zachary

MANILA, Philippines — Inilabas ng Filipina-Canadian singer-songwriter na si Zachary ang kanyang debut album na luvin u na umiikot sa ligaya at sakit na dala ng pag-ibig.

Isinulat ni Zachary ang mga awitin dito tulad ng luvin u, Pangako, huling sayaw, Paalam, at iba pa.

Sa key track na toxic ikinuwento niya ang nakakalitong emosyon na nagtutulak kung bakit bumabalik ang isang tao sa toxic na relasyon.

“It’s about when holding on feels safer than letting go. This song is dedicated for those red flags,” saad niya sa isang TikTok post.

Noong 2022, inilunsad ni Zachary ang debut single na dahan dahan. Sinundan niya ito ng iba pang kanta tulad ng Bakit? at RBND na umani ng 220,000 streams sa Spotify.

Mula pagkabata, malaki ang naging impluwensiya ng mga magulang ni Zachary na naghikayat sa kanya na ibuhos ang damdamin sa pagsusulat ng awitin. Bilang isa sa bagong OPM artists, nais niyang ipamalas ang relatable na songwriting style at sultry na tunog sa kanyang musika.

Available ang luvin u album ni Zachary sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.

Drei Sugay, nilabas ang mga tanong sa sarili

Mga agam-agam sa buhay ang ibinuhos ng dating Idol Philippines season 2 contestant na si Drei Sugay sa kanyang bagong alternative rock single na idk anymore.

Ibinahagi ni Drei sa isinulat na awitin ang mga pag-aalinlangan at pangamba na gumugulo sa kanyang isipan at ang tanong kung matatagpuan pa kaya niya ang hinahanap sa buhay. Iprinodyus din ito ng StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.

Nitong nakaraang taon, inilunsad ni Drei ang debut single na Ganun Talaga na umani ng mahigit 600,000 streams sa Spotify. Sinundan niya ito ng iba pang awitin tulad ng Iyong Mga Mata at Aking Tangi na naging bahagi ng High Street official soundtrack.

Nakilala si Drei nang sumali siya sa The Voice Teens Philippines season 1 kung saan naging coach niya ang Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap. Noong 2022, sumabak naman siya sa ikalawang season ng Idol PH at naging isa sa top 12 contestants nito.

GFiber prepaid, may exclusive offer!

Masusubukan na ang best of fiber internet at home sa mobile exclusive offer na mas pinabilis at pinasulit na GFiber Prepaid ng Globe sa halagang P499 na hindi dapat palagpasin!

Tingnan lamang ang voucher pocker ng inyong GCash app upang malaman kung isa ka sa qualified na lucky Globe Prepaid at TM custo­mers. Kung eligible ka, makakakuha ka ng P500 discount at makakakuha ng GFiber Prepaid 999 sa halaga lamang na P499. Siguruhin lamang na nakapag-register bago ang Oct. 31, 2024.

Sa GFiber Prepaid na may one-time fee na P999, mae-enjoy mo na ang bilis na hanggang 50Mbps na maaaring ibahagi sa buong pamilya o barkada sa halagang P23 lamang kada araw sa loob ng 30 days.

Ipagpalagay lamang kung ano ang mga maaaring gawin sa bilis at affordability ng GFiber Prepaid. Mapa-online learning virtual assistant jobs, work from home setups, online selling sa Facebook Marketplace, o live selling sa Shopee and TikTok, maaasahan ang GFiber

Binuo ang GFiber Prepaid para sa mga budget-conscious na mga indibidwal at pamilya at sa lahat ng nagpapahalaga sa flexibility at convenience. Wala nang monthly bills at lock-up periods – just pure, reloadable, at UNLI internet access. Plus, hassle-free installation sa loob ng 24 hours kaya makakapag-surf agad sa web.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with