^

PSN Showbiz

Darren, pinagbawalang sumayaw ng doktor

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Darren, pinagbawalang sumayaw ng doktor
Darren Espanto

Kamakailan ay naospital si Darren Espanto dahil sa appendicitis. Kababalik pa lamang ng singer sa bansa mula sa Amerika para sa ‘ASAP Natin ‘To sa California’  nang makaramdam nang pananakit ang kanyang tiyan. “Few hours bago mag-land sa Manila, naramdaman ko pagkagising ko sa plane na masakit na ‘yung lower right part ng stomach mo. Akala ko gutom lang, gas or parang ulcer or food poisoning. Pero hindi eh, parang bearable pa po ‘yung pain,” bungad ni Darren.

Pagkasakay ng kotse mula sa airport ay matinding sakit sa tiyan na umano ang naramdaman ng singer. Kinailangan nang isugod sa ospital si Darren noong panahong iyon. “I was really in pain. Hindi po ako ‘yung usually nagpapadala agad sa ospital or nagsasabi ‘pag may masakit. Pero ‘yon talaga iba na po. Ang bilis ng mga pangyayri. Pagka-CT scan, X-ray and everything, ooperahan na ako agad. Wala na akong choice. First time kong magkaroong ng gano’ng operation. But I felt nothing. Indestion po, wala po siyang masabing cause where it came from specifically. But it’s indigestion, ‘yung kakain ka tapos hihiga ka, or sasayaw, oily food. ‘Yung movement mo sa stomach mo ay irregular pa,” pagdedetalye ng binata.

Dahil sa operasyon ay isang buwang pinagbawalan ng mga duktor sa pagsasayaw si Darren. Mabuti na lamang daw at sa Oktubre pa gaganapin ang taunang Magpasikat ng ‘It’s Showtime.’ Ito ang kauna-unahang pagkakataong makapagtatanghal ni Darren kasama sina Vhong Navarro, Amy Perez at Ion Perez. “Bawal sumayaw, mag-gym, mga strenuous activities. I never would have imagined na magiging part ako ng Magpasikat team. Kasi dati nag-guest lang ako sa ibang teams before, naging hurado and now I’m actually part of one of the teams. Kinakabahan but very excited as well. Kasi kahit ano pwedeng mangyari,” pagbabahagi ng singer.

RK, naka-park muna ang idea ng kasal kay Jane

Mahigit tatlong taon nang magkasintahan sina Jane Oineza at RK Bagatsing. Kahit walong taon ang agwat sa edad ng dalawa ay hindi naman daw ito naging hadlang sa kanilang relasyon. “Do’n pumapasok ‘yung communication na it’s getting to know na okay nasaan ka ba sa point ng buhay mo right now? Where are you at and doon tayo mag-start no matter what age ako or what age ka. If you’re going the same direction or same goals in life, I think you can disregard that number and just be together,” makahulugang pahayag ni RK kay Bianca Gonzalez sa programang ‘BRGY.’

Hindi pa umano nakikita ng aktor na pakakasalan na si Jane dahil sa kanya-kanyang mga karera. “Personally, alam ko lahat ‘yung pinagtrabahuhan niya, the things that she went through sa career niya just to arrive at this point na sunud-sunod ‘yung projects niya, sobrang dami. So, who I am to just say, ‘Teka, hold muna natin ‘yan, punta muna tayo dito.’ And it does not change anything from us. We love each other, we enjoy each other’s company. We get to do everything na gusto naming gawin. So parang naka-park muna ‘yung idea na ‘yon and thought na ‘yon. Because really, minsan lang ‘yung career sa amin and we are focusing on that first, especially her,” paliwanag ng binata.

Simula bukas ay mapapanood na sa mga sinehan ang ‘Love Child’ na pinagbibidahan nina Jane at RK. Ayon sa aktor ay marami silang natutunan ni Jane pagdating sa pagkakaroon ng pamilya dahil sa naturang proyekto. “Mas meron kang deeper understanding of starting a family. So somehow we used that to our knowledge na okay, what do we need to do? We learned so much from the material and from other people’s experience,” pagtatapat ng aktor. — Reports from JCC

vuukle comment

DARREN ESPANTO

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with