Gordon Ramsay, inaabangan ng mga sosyal at pasosyal

Kevin at Gordon Ramsay
STAR/ File

Magbubukas na sa bansa ang Gordon Ramsay Bar & Grill, Newport World Resorts.

Ito ang inaugural restaurant ng kilalang multi-Michelin Chef, Gordon Ramsay, sa Pilipinas.

Ang bagong restaurant daw na ito ay bahagi ng patuloy na lumalawak na network ng Gordon Ramsay Restaurant – na may higit sa 80 restaurant sa buong mundo at may kabuuang walong Michelin star.

Tumatanggap na ngayon ng reservation ang Gordon Ramsay Bar & Grill, since Agosto 20, sa second floor ng Newport World Resorts’ Grand Wing, na ang capacity pala ay 100.

Kaya asahan na magiging flooding ang mga pictorial ng mga sosyal at pasosyal sa social media.

Hahaha.

Show comments