^

PSN Showbiz

Angelica, handang magtrabaho ‘pag weekdays

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Angelica, handang magtrabaho �pag weekdays
Angelica Panganiban.
STAR/ File

Dagsa ang nakikiramay kay Angelica Panganiban sa pagyao ng kanyang Mommy Annabelle Panganiban. Mga kaibigan sa loob at labas ng showbusiness ang dumalaw kasama na si Mommy Carol Santos ng kanyang ninang at ate na si Judy Ann Santos ay nagpaabot din ng kanyang pakikidalamhati.

At least napakagandang pabaon ni Angelica sa kanyang ina ang pagsasaayos ng kanyang buhay at ang kasal kay Gregg Homan kasama ng kanilang cute na anak.

Teka, tuloy na ba ang planong pagbabalik-telebisyon ni Angge? Napakaganda ang inilalatag niyang sked sa mga gustong kumuha sa kanya. Puwede siyang mag-taping o shooting ng sunud-sunod na weekdays – pero ang weekends ay libre para sa kanya at kanyang pamilya. Fair, ‘di ba?

Paolo, ayaw tigilan

Bakit kaya ang laki-laking issue ng Dear Satan nilang working title ng pelikula ni Paolo Contis para sa Mavx Films? Dahil ba sa title? O kay Paolo? O pareho?

Dapat makita talaga ang kabuuan ng kuwento at pelikula bago ito mahusgahan, ‘di ba?

At si Paolo Contis, sana makita niya ang dahilan kung bakit laging siya na lang ang pinagdidiskitahan ng madlang pipol. Marahil, bunga at sanhi na rin ‘yan ng mga naging pagpapasya niya sa buhay. In the end, magaling pa naman siyang aktor!

HLA cast at crew, ‘di maingay ang pagbalik

Nakabalik na ang cast and crew ng Hello, Love, Again mula sa principal shoot nila sa Canada. Post prod na lang at handa na ang pelikula nila para mapanood ng publiko sa November na maaaring tumagal hanggang mag-Metro Manila Film Festival (MMFF) na. Ibig bang sabihin, puwede nitong mapantayan o malampasan ang box-office performance ng record holder na Rewind noong nakaraang MMFF?

Technically puwede, dahil hindi tulad ng festival, wala kang kalabang malaking pelikula at kahati sa mga sinehan. Kaya exciting, ‘di ba?

‘Walang pake,’ pinag-aralan sa Theology

Nag-circulate ang statement ng isang Theology teacher na si Cristina Astorga ukol kina Heart Eva­ngelista and Carlos Yulo – ang sabi, they “represent or embody the “walang pake” that is at the root of our social problem. And many are promoting, defending, and even perpetuating “walang pake!””

Dahil public personalities talaga, ingat sa pag-e-expose ng sarili – dahil dapat nasa tono ka – dahil may kapwa ka – na hindi mo puwedeng sabihan ng “wampake,” ‘di ba?

Nakakata-quote:

Na-X ang Alimuom at Muog, hindi napalabas ang Lost Sabungeros at limitado ang sinehan sa And So It Begins.

“What is going on? Are we a democracy or not? Isn’t freedom of expression enshrined in our constitution???” – Ramona Diaz, director ng And So It Begins

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with