Totoo kaya ang nakarating sa aming kuwentong break na raw sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo?
Noong nakaraang story conference ng pelikulang Fatherland, sobrang safe ang mga sagot ni Jeric sa mga tanong namin tungkol sa nobya.
Katatapos lang ng birthday niya, kaya tinanong namin kung ano ang pa-birthday sa kanya ng beauty queen/actress. “Siguro sa ngayon wala pa kasi busy… support and wished me good career.”
Sinundan namin ng tanong kung napapag-usapan ba nila ni Rabiya na mas mabuting tahimik na lang at huwag na masyadong pag-usapan ang kanilang relasyon.
“Right now wala pa e, ‘cause focus pa ako sa work ko and siya rin. Happy lang ako sa mga nangyayari ngayon and sa kanya-kanyang career namin,” safe niyang sagot.
Lalo kaming naintriga sa sagot niya kung ano ang plano nila ni Rabiya. Hanggang diretsahan ko siyang tinanong kung sila pa rin ba. “Right now wala pa e. Happy and yes, nagsusuportahan kami,” safe na sagot ni Jeric.
Nakikita naman sa kani-kanilang social media account ang mga litratong magkasama silang dalawa. Pero wala man lang nai-post si Rabiya nung nag-birthday si Jeric nung Aug. 7.
Paolo, nagsalita sa ‘Satan’
Nag-decide na ang Mavx Productions na palitan na ang title ng pelikulang Dear Satan na pinagbidahan ni Paolo Contis, kasama ang child star na si Sienna Stevens.
Bukas na ito naka-schedule ang review sa MTRCB, at panalangin ni Paolo na sasang-ayon ang mga magre-review nito at kung ano talaga ang gustong mensaheng iparating ng pelikula. Sensitive lang daw sila sa naging reaksyon agad ng netizens, kaya mas mabuting palitan na lang daw. “The main concept of the film is the battle between good and evil, ‘di ba? isang bata na pure at heart, at si Satanas.
“Kung gusto mo ng good and evil, sino ba ang pinaka puwede mong iano, si Satanas na, ‘di ba? ‘Yun lang ‘yung sa akin. And again, fiction siya,” saad ni Paolo nang nakatsikahan namin sa look test ng bagong pelikulang gagawin nila sa Mavx Productions.
Konsepto ni Paolo ang kuwento nito, at sa shooting pa lang daw ay maingat sila sa magiging reaksyon ng mga manonood.
Maingat din si Paolo sa mga pahayag niya at baka iba na naman ang maging dating sa mga tao. Pero hindi raw niya akalaing ganun agad ang reaksyon ng mga tao nang lumabas ang poster nito at ang trailer.
“Medyo nagulat, because I honestly thought they would see the difference ng art at ng movie na fiction kesa sa ano, I mean… Wala naman kaming sinabing sambahin mo si Satanas e. I think the trailer was very clear that I was trying to influence her, but it never happened, because her faith was strong,” dagdag na paliwanag ni Paolo.
Sa ngayon ay may mga nasa isip na raw silang ipapalit na title. Pero hintayin daw muna nila kung ano ang magiging reaksyon dito ng taga-MTRCB. Kung maganda at umaayon sa gusto nilang rating na ibibigay ng naturang ahensya, baka isa-submit na raw nila ito sa finished films ng Metro Manila Film Festival.