“Ano to nagsama-sama mga iniwanan ng mga jowa at karelasyon!?,” ang ilan sa reaction sa teaser ng teleseryeng Incognito na pagbibidahan nina Richard Gutierrez and Daniel Padilla among others kung saan kasama rin si Maris Racal.
Trot naman dahil common knowledge na kakahiwalay lang nilang tatlo sa kani-kanilang karelasyon tho hitsura namang naka-move on na sila kina Sarah Lahbati, Kathryn Bernardo and Rico Blanco.
Anyway, unang nagkasama sina Richard at Daniel sa 2018 fantasy drama na La Luna Sangre.
Babalikan ni Daniel ang teleserye pagkatapos ng dalawang taon. Huli siyang nagbida sa romantic drama na 2 Good 2 Be True (2022) katambal ang dati niyang on-screen at real-life partner na si Kathryn Bernardo.
Si Richard naman ay huling napanood sa Iron Heart.